Nakatulog ako sa kwarto ko hanggang dumating ang kinabukasan. Hindi na pala ako nagising para kumain at magbihis, kung anong suot ko kahapon sya pa din suot ko ngayon. Nang tumunog ang alarm sa phone ko saka lang ako naalimpungatan para magising. Biglang bangon ko nang marealize ko na umaga na. "Grabe, napahimbing tulog ko." I said habang kinukoskos ko ng mga kamay ko ang mga mata kong hirap pa sa pagmulat. Bumangon ako at sandaling nagbihis bago lumabas. Aasikasuhin ko pa si Lenard. Bago ako pumasok. Lumabas ako ng kwarto na nakasuot lang malaking tshirt at maikling shorts. Dadaan muna ako ng kusina para maghilamos. "MAMA!" nagulat ako sa bata sa sigaw nya sabay tumakbo papunta sa akin. Bigla syang yumakap sa bewang ko. "Goodmorning Anak! Nagbreakfast kana?" tanong ko sa kanya saba

