NAPATAAS KILAY AKO. “Ano raw po ang kailangan niya sa’kin? Sino raw po ba siya?” “Fiancé niyo raw po siya.” Kamuntikan na akong masamid sa sinabi ng kasambahay. Awtomatikong nagkatinginan kami ni Brett. Narito si Iñaki at gusto niya akong makausap? And did he just introduce himself as my fiancé? Umawang ang bibig ko. Tatayo na sana ako nang hawakan ni Brett ang aking kamay. His eyes were pleading like a dog’s. I smiled at him before pulling my hand from his. Kitang-kita kong bumakas ang kabiguan sa mukha niya. “A-Anaddy, don’t,” he whispered, enough for me to hear. I bit my bottom lip inside. “I’ll be okay. Don’t worry about me.” Huminga siya nang malalim. “Fine. Just call me if the bastard makes you cry again. I’ll be there wherever you are, okay?” Tumango ako. “Brett, thank yo

