“SO, CONVOY TAYO, GUYS,” anunsyo ng presidente ng organisasyon namin matapos kong lumapit sa kanila. “Walang hihiwalay.” It was already 6:45 p.m. Hapong-hapo kami sa maghapong pagpapasaya sa mga tao rito lalo na sa mga bata. Dapat ay kanina pang alas tres ang aming alis pero inimbita kami ng barangay captain ng lugar para sa isang maliit na salu-salo. Liban sa masasarap na pagkain ay nagkantahan din kami sa bahay ng pulitiko. Nagkataon din kasing kaarawan niya at naalalang may mga kabataang may charity work sa lugar kaya inimbita na rin kami bilang pasasalamat. The day ended well. Naipamahagi namin ang school supplies sa mga bata at ang groceries sa mga magulang. Tinuruan din namin ang ilang bata sa pagbabasa at pagbibilang. We told them stories and fed them. I was happy. Noon pa man ay

