Chapter 20

1165 Words
Kanina pa ako nakatali. Hindi ko alam kung anong oras na. Alam kong saglit pa lang ang lumilipas pero pakiramdam ko antagal ko nang nandito. Kahit anong gawin kong pagpupumiglas, hindi ko pa rin matanggal ang tali. Dagdag mo pa ang sakit dahil lalong nasusugat at nasusunog ang balat ko sa bawat paggalaw ko sa mga taling ito. Masakit pero kailangan ko itong tiisin. Kailangan kong makatakas. Hindi ako maghihintay dito na parang manok na kakatayin. Putek! Kahit nga manok tatakbo kapag sinubukang hulihin. Di pa rin ako makamove on sa katangahan ko. Masyado akong naging panatag. Bilang isang wolf, dapat lagi akong alerto. Kagagahan! Nanghihina na ako. Nararamdaman ko na nawawala na ang lakas ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng malay. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawalan ako ng malay. Pero grabe, pakiramdam ko hinihigop ang lakas ko "Gising ka pa pala. Matibay ka rin. Yung iba nga pagkalagay namin ng wolfsbane eh hindi na nagising pero ikaw mukhang malakas pa." Nandito pa pala yung bantay. Muntik ko na makalimutan. Sobrang nanghihina na pati mga senses ko at hindi ko na nararamdaman ang paligid ko. Pero hindi ako susuko. Anak ako ng alpha at alam ko sa sarili ko na mas malakas ako kaysa sa mga iba pang wolf. "Hmm, may hinihintay ka ba? Matulog ka na. Wag ka nang lumaban. Wala namang pupunta dito at magliligtas sayo. Binura na namin lahat ng marka mo. Kahit ang amoy mo ay hindi maamoy pa kaya kung ako sayo, sulitin mo na yung mga oras na normal ka pang werewolf" Tinignan ko siya ng masama. Hindi na ako nagsalita pa. Ayoko ipakita sa kanya pero natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ako makaligtas at tuluyan akong humantong sa katapusan. Natatakot akong hindi na makita ang mga mahal ko sa buhay. HINDI MAARI YUN Sinubukan ko ulit na pumiglas sa lubid. Pero kahit anong gawin ko walang nangyayari. Namanhid nalang ang mga kamay ko sa sobrang sakit. Sapphire Sapphire!! Sap!!! Bakit hindi ka sumasagot? Crystal, nanghihina ako. S-sinusubukan kong humingi ng tulong p-pero nanghihina na ako. Biglang may pumasok na lalaki sa lugar kung nasaan ako ngayon. "Dala mo ba yung pinapakuha ko?" "Opo" Sabay abot niya ng isang case sa lalaking kumidnap sa akin. "Tutal ayaw mo pang matulog, patutulugin nalang kita. Alam kong nanghihina ka na. Pero dahil wolf ka, dadamihan ko na rin ang ituturok ko pampatulog sayo para makasiguro" Nakita ko ang injection na hawak hawak niya. Wolf ako pero tama siya, Nanghihina na ako. Sabay mo pa yung wolfsbane na nasa mga sugat ko na ngayon. Sigurado akong makakatulog ako kapag tinurok niya sa kin yun! Hindi pwede Pinilit kong tanggalin ang mga lubid. "Huwag ka ng magpumiglas, dahil hindi ka na makakatakas" Papalapit ng papalapit ang karayom sa balat ko. Naramdaman ko ang pagtusok nito sa aking balat. Unti unting pumapasok sa aking sistema ang gamot na itinurol niya. Pinilit kong pigilan ang pangsara ng mga mata ko Pero Hindi ko na kinaya Nagdilim ang paligid at alam kong nawala na ang pagkakataon kong tumakas. Ma! Pa! Lucas! _______________ Tumakbo ako ng tumakbo at siniguro kong wala akong mamimiss na lugar at sulok sa kagubatang ito Naramdaman ko si Crystal. Tinatawag niya ako. Naramdaman din ni Zeus si Sapphire Hindi mo ba mahahanap ang lugar nila Zeus? Nararamdaman ko sila pero masyadong mahina. Nararamdaman kong nagbibigay si sapphire ng signal sa akin pero nawawala wala. Nawawala na rin ang connection namin dahil sa rejection na nangyari kaya kahit anong pilit ko, hindi ko pa rin sila makita. Rejection Bakit ko pa kasi ginawa yun. Ngayong nasa panganib siya at kailangan niya ang tulong ko, hindi ko siya maramdaman. May nakakita na ba kay crystal?? Wala pa po kaming nakikita alpha. Pati mga bakas. Mukhang sinadya pong burahin. Hindi ako nawawalan ng pag asa. Tumakbo ako ng tumakbo. Hanggang may nakita ako makintab sa hindi kalayuan. Isang hikaw Pero wala namang hikaw si Crystal. Alam kong hindi sa kanya ito pero naamoy ako ang mga mumunting amoy niya at naamoy ko rin ang amoy ng isang rouge. Sinundan ko ang amoy. Masyado itong mahina pero meron pa ring nga maliliit na bakas. Hanggang nakarating ako sa isang kweba. Pumasok ako sa loob pero wala ng ibang lugar dun. Dead end na Ang nakikita ko lang ang sandamakmak na mga sulat sa pader ng kweba. Sinubukan kong itulak, baka sakaling isa itong pinto. Pero wala. Hindi pa rin. Hindi ako nawawalan ng pag asa. Kailangan ko pa ng mas maraming tulong. Ang pamilya ni Crystal. Kailangan kong sabihin. Tumawag ako ng grupo ng mga wolf galing sa aking pack. Pinapunta ko sila sa may kweba at sinabihang bantayan ito para sa kung ano man ang maaring mangyari. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Crystal. Bigla akong pumasok sa bahay niya at nakita ko ang mama niya "Young Alpha! Nakita mo ba si Crystal? Hindi namin siya makausap. Kahit si sapphire hindi sumasagot. Nag pakalat na kami ng mga werewolf pero hindi nila makita si crystal. Kahit ang papa niya umalis na rin para maghanap. Alam kong may nangyari sa kanya. Masama ang kutob ko. At nararamdaman kong tumatawag sa akin si sapphire pero hindi ko maramdaman kung nasaan sila" Nakita ko na halos mangiyak ngiyak na ang mama ni Crystal sa sobrang pag aalala. Maya maya pa ay dumating na ang papa niya. Kasama ang dalawang rouge pati na rin yung lalaking laging kasama ni Crystal sa school "Nakita niyo na ba siya?" tanong ng mama niya "Hindi pa, pero nararamdaman ko na tinatawag tayo ni sapphire. Medyo nawawala wala lang boses. Para bang nawawala ang lakas niya" sagot naman ng papa niya "Nawala po siya sa school, dun po kami huling nag usap. Pero bigla nalang siyang nawala. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko siya makita. Hindi ko rin maamoy ang kanyang scent. Sinadya itong tanggalin." paliwanag ko ng biglang tumingin sa akin ang papa ni Crystal. "Hinanap mo ba siya sa gubat?" tanong nito sa akin "Opo, hindi ko siya nakita pero meron akong nakitang hikaw, naamoy ko yung scent niya. Mahina lang yung amoy pero meron. Naamoy ko din ang scent ng isang rouge. Sinundan ko yung amoy ng rouge at nakarating ako sa isang kweba. Pero dead end yung kweba at wala ng ibang direksiyon ang pinatunguhan yung amoy" paliwanag ko sa magulang ni Crystal. Sana ay makahanap sila ng paraan kung paano namin pwedeng iligtas si Crystal. Sa mga oras na ito, baka may nangyayari nang hindi maganda kay Crystal. Baka sinasaktan siya o baka mayroong pinainom o pinakain sa kanya kaya nanghihina ang wolf niya kagaya ng sabi ng kanyang ama "Dalhin mo kami sa kweba." sabi nito sa akin at umalis na kami papunta sa kweba kasama ang ilan sa pack nila at ang mga kaibigan ni Crystal. Bakas sa mukha nila ang pag-aalala habang nilalakad namin ang gubat papunta sa lugar kung saan ko nasundan ang amoy ng hikaw
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD