Lucas POV
"What!!"
Crystal's mom looked between the two of us.
CRYSTAl
AKO
CRYSTAL
AKO
CRYSTAL
AKO
" Grabe hindi ako makapaniwala. Crystal you already found your mate but you didn't tell me. you didnt tell us! Kaya pala nagmumukmok ka sa kwarto mo since yesterday"
"..,,." Walang imik si crystal habang sinesermonan siya. Her father is silent, but I can see in his eyes that hes mad at me
"And on top of that he's an alpha?!"
Then tumingin sya sa akin
"You! You rejected my daughter?! and here I thought that you are a good guy. How dare you do that? what is the reason for you to do that? didnt you know that you need each other. You two, are a part of each other. " Galit na galit na sabi ng kanyang ina. Bilang isa siyang luna, alam kong pinapahiwatig niya sa akin kung gaano kahalaga ang tanggapin ang isang mate. Hindi lang para sa sarili ko kundi para na rin sa ikabubuti ng isang pack.
"kaya nga po ako nandito eh. Dahil gusto ko siyang maka-usap. I want to have a chance to talk to her" even though that is not my agenda in coming here, I grabbed the chance at sinabi ko yon dahil alam kong pagdating sa school ay hindi na ako magkakaroon pa ng pagkakataong makausap si Crystal. Sigurado akong lalayo siya sa akin at mahihirapan na akong humanap ng tyempo.
then she looked at Crytal once again, giving her daughter a questioning gaze.
"I think I' m not in the mood to talk to him right now. I dont want to hear anything from him in the moment" she answered. Im quite sad because of that but I cant blame her. Anyone would be like that after what happened.
"Actually we are going somewhere ngayon tita. I wanted na ipasyal sana si Crystal somewhere eh. Some food trip lang together with Lawrence" sabe nung Chris Guy na kasama niyang bumaba.
kumulo ang dugo ko. Oo alam ko na ako ang dahilan kung bakit nakakaramdam si Crystal nang kalungkutan ngayon pero gusto ko ako ang magcomfort sa kanya. HINDI yang Chris na yan. At sino naman itong Lawrence na ito? I bet hes also a rouge. Wala bang ibang kaibigan si Cyrstal at puro lalaki ang nakapalibot sa kanya. Mula sa school lalaki ang kasama. Isang beses ko pa lang ata siyang nakikitang may kasamang kaibigan na babae, hanggang dito pa naman sa pack house nila, lalaki pa rin ang kasama niya? Ano bang ginawa nito nung mga panahong di pa kami magkakilala? Nangolekta ng admirers?
HAIIIIISSST
"That's a good idea Raven. why don't you take Lucas with you para naman makapagusap sila ni crsytal kahit konti konti lang." sabi naman ng mama ni Crystal, which I think is a good idea. Dapat naman talaga ay kasama ako eh. Nice.
Tumingin sakin ang mama ni crystal at ningitian ako
Chance mo na ito kaya umayos ka
Yun ang nababasa ko sa mga mata nang mama ni crystal. I think her mother is giving me a chance. Pero Im sure na meron pa itong konting galit sa akin kaya hindi pa ako pwedeng maging panatag sa mga bagay bagay na nangyayari ngayon.
Thank you po Tita! Susulitin ko ang pagkakataong ito.
"Bakit naman namin sya isasama? ayoko ma!"
Nakakalungkot marinig na ayaw niya akong makasama pero hindi ako susuko. This is one in a million chance for me. mismong mama na niya ang tumutulak sa akin na gumawa ng paraan.
"Sige sasama po ako, i know some spots na pwede nating puntahan tsaka mas safe kapag kasama nyo ako since i can provide you security" sabe ko naman while looking at that Chris Guy. You hear that. SECURITY
"hmph hindi namin kailangan nang security mo, if you don't know may I remind you na I have alpha blood in my veins so you don't need to act so high and cocky you know. I know very well how to protect myself " kontra naman ni Crystal. Alam ko naman na malakas siya pero syempre mas gusto ko kapag kasama niya ako.
"Anak sige na umalis na kayo para hindi kayo abutan nang gabi"
"MA~~!"
"Sige na anak" wala ng nagawa si crystal dahil sa pagpilit ng mama niya. At the end sumama pa rin ako.
umalis na kame syempre kasama ako and right now all i wanted to do is to go to her side and send message to those guys looking at her right now, pero kamalas malasan ko naman, oo nga pala kasama pala namin ung Chris tsaka ung kapatid so bale hindi ko katabi si Crystal kasi pinapalibutan sya ngayon nang mga bwiset na rouge. Nakakainis pa kase nagtatawanan sila at hindi man lang ako pinapansin ni Crystal. Para akong bodyguard na sumusunod sunod lang sa kanila. Haist. Alam kong sinabe kong security pero ayoko naman maging body guard.
"Saan tayo pupunta?"
tanong nya
"Starbucks"
"Mcdo"
Sabay pa kami ni Chris pero seriously starbucks mas maganda sana kung mag memerienda kami sa mcdo. Gabi na magkakape ka pa. hindi naman sa sinasabe kong di ko afford ah, ayoko lang mapuyat si Crystal.
" Saan ba talaga?"tanong ni Crystal habang natatawa silang dalawa nung kasama naming isa pang lalaki. Siya ata yung Lawrence.
"starbucks"
"mcdo"
"ano ba ha di ba sumabit ka lang naman dito ah kaya sa akin ka susunod"
"hindi ako sabit dahil inimbitahan ako nang mama ni crystal "
Nag kasamaan kame nang tingin pero bago pa kame tuluyang mag away tinawag namin si crystal pero wala sya.
"CRYSTAL"
"CRSYTAL"
"ate dalawang isaw tsaka tatlong dugo tapos dalawang laman tsaka isang atay tapos isang choc-o nga po thank you, intayin ko na lang ate."
"Ganun din po order ko te dagdagan nyo lang po nang tatlo ung isaw tsaka laman" nakita namin na magkasama si Crystal at yung Lawrence na bumibili.
Nakanganga kameng dalawa, pinagawayan pa namin kung ano at saan kame pupunta eh dito lang pala gusto neto. Napabugtong hininga na lang ako, ngayon lang ako nakakakita nang babae na mahilig sa street foods, kung katulad si crystal nung mga babaeng dinate ko dati sigurado akong magwawala sila kapag dinala ko sila sa isang ihawan. Laging highclass ang mga gustong kainin, hindi naman sila yung nagbabayad.
Napangiti ako without even knowing
My girl is very beautiful.
Inside and out di marunong mag inarte and I like that about her. Something refreshing ang new for me.
"Hoy wag ka ngang ngumiti dyan mukha kang maniac" ang ganda na sana ng moment ko, bigla bigla namang sumasabat itong chris na ito.
"Tch tch inggit ka lang " sagot ko na may halong pang-aasar
"sinong inggit sa maniac"
"sinong maniac inggitero"
We growled at each other and continued our heated glares.
"Are you going to just stand there and growl at each other. Akala ko ba food trip to."
Napatingin na lang kame sa kanya while smiling both of us. It seems like we are very entertaining for them.
"Anong tinatayo tayo nyo diyan? tara na! Lawrence tara na dun naman tayo sa may fishball stand ni manong sunod."
Gutom pa ang prinsesa. Lahat ata ng makikita nitong pagkainan eh susubukan.
We continued our day kahit na mainit ang dugo namin ni Chris sa isa’t isa, we manage to continue this food trip, salamat sa gutom na prinsesa at yung kapatid ni Chris na kain lang din ng kain. A very quiet person pero mahilig kumain