It's friday at ngayon na din ang alis namin ni Night papuntang City.
Bukas na ang Kasal ng taong sobra kong minahal noon.
Bukas ko na din papakawalan lahat ng sakit na naipon dito sa loob.
Natapos ko na yung pagimpaki ng mga gamit ko.
Di ko maiwasang matulala.
Kase andun parin ako sa stage na parang kahapon lang kami nagbreak.
Nagpakawala ako ng isang mahabang buntong hininga.
"lalim ahhh kaya ko kaya sisidin yan?" biglang sabi ni Night.
Tumingin naman ako dito.
Nasa pinto sya ng kwarto.
He's so hot sa suot nyang printed polo na naka unbotton ang tatlong butones pinaresan ng isang black above the knee short.
Ngumiti lang ako sa kanya.
" sira ka! Tara na baka gabihin tayo sa biyahe" tumayo ako at hinila ang maleta ko.
Bago pa man ako makalampas sa kanya ay hinawakan na nya ako sa aking braso.
Tumingin ako sa kanya.
Then I met his gaze.
Di ako makatingin ng deretsyo sa kanya dahil sa way ng pagtitig nya sakin.
"ta-tara na" hinihigit ko ang braso ko sa kanya.
Nagtagumpay naman ako.
Tumalikod na ako sa kanya.
Naramdaman ko naman ulet ang init ng mga yakap nya.
Niyakap nya ako patalikod.
"Alam kong nahihirapan ka pero di mo kailangan magtago sa harap ko.. Pagkaharap mo ako be yourself Cloude.. Im here, always here" dun ko naramdaman at nailabas lahat ng sakit lungkot na kanina ko pa kinikimkim.
Iyak na naman kainis naman oh ayaw ko na nga umiyak pero itong lalaking ito pinaiyak na naman ako.
Nang okay na ako ay umalis na kami.
Nagpa excuse din kami ng 1 week sa Univ syempre sila ang may ari kaya madali lang naproseso HAHAHA.
Feeling ko naging unfair kami sa ibang students pero hayaan mo na HAHAHHA.
"Tulog ka muna. Gigisingin na lang kita pag nandun na tayo" sabi nya habang busy ito sa pagmamaneho.
Gusto ko sanang magdrive ng kotse kaso di pumayag itong loko na toh.
Ayaw daw nya ako pag drivebin magisa kase baka daw ako mag suicide.
Baka kudaw isalpok na lang si ferra sa potse o di kaya ay ilaglag sa bangin.
Eh kung sya ang ilaglag ko ka mahal mahal nun ilalaglag ko lang. Tsaka bakit naman ako magsusuicide? Mahal ko pa ang buhay ko noh.
"ehh nakakatamad matulog.. Ikaw kase eh gusto ko magdrive pero bida bida ka."
Naalala ko na naman yung debate namin kanina about dun sa pag drive ko magisa.
Napangisi naman ito.
"syempre I know what's going on inside of the mind of a brokenhearted person noh? Suicidal thoughts like that" sabi nito.
Naasar ako. Ganun ba tingin nya sakin magpapakamatay para sa isang lalaki?
Hinampas ko ito sa braso.
"busett ka di ako ganun noh sayang ang ganda ko di pa nakikita ng lahat ng tao" biro ko sabay irap sa kanya.
Napuno naman ng tawanan namin pareho ang sasakyan.
His laughter make me feel calm.
Tuloy tuloy lang ang asaran namin.
Pero lalo itong nangasar ng sa kalagitnaan ng tawanan namin ay tumunog ang tyan ko.
Sobrang pula ng mukha ko dahil dun.
"ay gutom kana?" tanong niya kaya naman tumango ako sa kanya.
Syempre ilang oras na din kami nagbibiyahe tapos di manlang bumili ng pwede kainin sa biyahe.
"luh asa ka!" napanganga naman ako sa sinabi nya.
Niloloko ba ako nito.
Magtatanong kung gutom ako tapos luh asa ka ang sasabihin nya!
Inistretch ko ang kamay ko hanggang maabot ang tagiliran nya sabay kurot ng pino.
Napaaray naman ito sa ginawa ko.
Di ko na inalala na nasa kalsada pala kami dahil nainis talaga ako sa kanya.
"aray naman Cloude nag dadrive ako eh pagtayo naaksidente"panenermon nito sa akin.
Napapout na lang ako sa inis at di na ito pinansin.
" okay mag drive tru na lang kita. Wag kana malungkot ah" pinisil pa nito ang pisngi ko kaya naman tinapik ko ang kanyang kamay.
Kuminang naman ang mata ko sa mga pagkaing nasa may lap ko.
Sheeettttt!
Fries!
Burger!
Fried chicken!!
And may Favorite spaghetti!!!!
Syempre tubig ayaw ko ng cola hahaha kaya tubig na lang sabi ko.
Like sa kanta ni mimiyuuh.
"DRINK YOUR WATER b***h!"
Nagsimula na akong kumain at di ko na pinansin ang isa sa tabi.
Ramdam ko din ang pag tingin tingin nito sa akin pero wala akong paki gutom ako noh! Bala sya dyan sa buhay nya.
Maya maya ay may tumunog na tyan.
Kinapa ko naman yung tyan ko pero imposibleng ako yun kase lumalamon na ako.
Tumingin naman ako sa kanya at kita kong namumula ang mukha nito sa hiya dahil sa nangyare.
Nakakakonsenya.
Ako pasarap lang sya gutom tapos kahit gustp nya kumain ay di nya magawa.
Kumuha ako ng isang fries at tsaka tinapat sa bigbig nya.
"oh" sabi ko.
Nagdalawang isip naman ito kung kakainin ko hindi.
"kainin mo yan! Ikaw lang ang sinubuan ko ahh kaya be thankful!" sabi ko dito para naman di nya mapansin na namumula ako sa ginawa ko.
Ngumanga naman ito at kinain ang inabot ko.
"ummmm sarap naman" nakangiti ito. Napangiti din ako ang cute nya kase.
Ngumuso naman ito kaya nagtaka ako.
Di ko nagets gusto nya kaya ngumuso din ako
Wait kiss ba gusto nya?
Namula naman ako sa naisip ko.
"ki-kiss?" tanong ko sa kanya.
Lumaki naman ngiti nito tinaas baba ang kilay.
"hmmm pwede naman kung gusto mo ng kiss di ako madamot.. Pero spaghetti muna ang gusto ko.. Subuan mo ko dali"
Shittt tanga ko!
Bat di ko nagets na kaya pala sya ngumunguso kase tinuturo nya yung spaghetti.
Ughhh kairita!
Di ko na napansin na tinidor ko pala ang ginamit ko at agad ko itong itinapat sa bibig nya.
Agad naman nya itong kinain.
Kaso may natirang sauce sa gilid ng bibig nya kaya napatawa ako.
Haysss kalalaking tao apaka kalat kumain.
Humagikhik ako dahil ang cute nya.
Manhid ba toh?
Di ba nya ramdam na may parang malagkit sa may gilid ng labi nya.
Kinuha ko ang phone ko at pasimpleng pinicturan sya.
Napatitig ako sa itsura nya sa picture.
Gwapo nya.
"ano nginingiti mo dyan? Tsaka para sobrang saya mo naman? May dumi ba ako sa mukha?" tanong nito pero yung mata ay nasa daan parin.
Di ko na napigilan at tumawa ako ng malakas.
That laugh was the best laugh of my entire life.
Kaya naman nagsapol ang makapal na kilay ng lalaking ito.
" hoy umayos ka nga! " inis na sabi nito.
Ramdam kong gustong gusto ako nitong hampasin di lang nya magawa kase nagdadrive sya.
Kinalma ko naman ang sarili ko at umayos ng upo.
"ehemm sorry hehehe nakakatuwa ka kase umm" di ko alam kung ano na itsura ko ngayon dahil pinipilit kong pigilan matawa.
Tinignan naman ako ng masama nito.
"may sauce ka kase sa may gilid ng labe ehh HAHAHA" tawa ulet ako.
"WHAT? F*CK!" mura nito.
Tumingin naman sya sa may rear mirror.
Pupunasan nya sana yun pero pinigilan ko sya.
Di ko alam pero gusto kong ako magtanggal nun.
Dahan dahan kong nilapit ang daliri ko at pinunansan yun.
Pagkatapos ay nakatitig lang sya sakin.
Kinabahan ako kase baka mabangga kami.
"uyy eyes on the road Luis!" sabi ko dito.
Umayos naman sya pero kita ko yung pagkurba ng maliit na ngiti sa labi nya.
And it makes me smile a little.
"umm Cloude?" tawag nya sakin.
"hmmm" baling ko dito.
"I like it when you call me Luis. Nakakakilig" sabi nito sabay kindant sa akin.
Like what the f.!!!!!! My hart please!!!
************
Sinalubong kami ni Mommy ng makarating kami ng Mansion.
As usual unang beses pa lang nakita ng lalaking ito ang Mansion. Ako pa nagsara ng bibig nito.
Ewan ba kung mayaman ba talaga itong lalaking ito kase parang ngayon lang sya nakakita ng Mansion na ganito kalaki.
Nakita kami ni Mom ay agad ito tumakbo papalapit sa amin.
Niyakap naman ako ng mahigpit nito.
Umiyak na naman ako pero syempre saglit lang.
Nang bumaling ang tingin ni Mom kay Night ay biglang sumama ang tingin nito.
"Hi Tita Skyleth" kinakabahang bati nito kay Mom.
Lumapit naman si Mom kay Night at laking gulat ko ng bigla nitong pingutin si Night.
"Ikaw na lalaki ka.. How dare you let my Sky live in that small bungalow?" sabi ni Mom at di parin tinatanggal ang pagkapingot nito kay Night.
Natawa naman ako sa mukha ni Night kase kitang kita ko na nasasaktan talaga sya.
"wait tita ouchhh magpapaliwanag po ako" hirap na hirap syang magsalita.
Binitawan ni Mom ang teynga ni Night at pumamewang.
Ang cute lang ni Mom kase para syang di 38 sa istura nya.
Bumaling naman ang tingin ko kay Night.
Naawa ako sa kanya ng makita kong pulang pula ang kanyang teynga.
Nagawi naman ang tingin ko kay Manang at kita ko ang tuwa sa mata nito habang nakayakap kay Manong.
Ngumiti ako dito.
I miss them
"sorry po kung dun ko pinatuloy si Cloude pero gusto ko lang po maranasan nya yung buhay ng taga probinsya at kita ko din pong nakapag adjust sya actually nagtry pa nga syang magluto tita" kwento nya kay Mom.
tumingin naman si mom sa akin sa narinig nya.
"really? Oh my! I want you sky to make our dinner mamaya" excited na sabi nito nagtatalon pa.
Tinignan ko naman ng masama si Night.
Nagpeace sign naman ito sa akin.
"ummm siguro naman pwede na tayo pumasok sa loob noh? Ang init kase dito at kanina pa kayo nagkwekwentuhan pwede namang sa loob diba Mom" naiiritang sabi ko sa kanila.
Sabay sabay naman silang nagtawanan sa sinabi ko.
"well di parin nawawala ang pagka brat nya" dinig kong bulong ni Mom kay Night.
Di ko na yun pinansin at pumasok na sa loob.
Tumakbo naman agad ako sa secondfloor para makapunta ng kwarto ko.
Oh myyy!!
I miss my room!!
I jump in my queen sized bed.
Inamoy ko ito..
Smells like me syempre alangang mag smell ito ng ibang tao.
That would be creepy.
Ineenjoy ko ang paghiga sa kama ng biglang may lumundag din sa kama ko at niyakap ako.
What the!
Bumangon ako at tinignan ito ng masama.
"ano ginagawa mo dito?" pagtataray ko sa kanya.
Pero di ako pinansin at inayos pa ang higa nya at nagtalukbong ng kumot.
Naasar naman ako kaya lumapit ako sa kanya.
Hahampasin ko sana sya pero nadinig ko ang kanyang mga muntik hilik.
Napangiti ako at the same time naawa.
I feel guilty din kase masyado ko na syang naabala.
Di naman nya kailangan akong samahan pero andito sya.
Gusto kong itanong sa kanya kung bakit nya ito ginagawa pero sa ngayon ay wag muna.
Hinaplos ko ang buhok nito.
Ito ang gusto nya pag di sya nakakatulog.
Yung hinahaplos ang buhok nya inaantok daw sya sa ganun.
Ito na lang ang magagawa ko para naman marelax sya.
Nakatitig ako sa mukha nya.
Tumabi na din ako sa kanya.
As usual yumakap na naman siya.
Siniksik pa nito ang mukha nya sa leeg ko.
Kung di man ito pagod baka nahampas ko na sya pero hahayaan ko muna ngayon.
Nagpahinga na din ako dahil mamayang 4 ay magluluto na ako para sa dinner.
Syempre mag papatulong ako kay Night.
Tsaka syempre di mawawala si YouTube HAHAHA.
************
Nagising ako ng saktong 4 kaya naman ginising ko na din yung parang tuko na nakayakap sa akin.
"hey! Gising na dyan" pag gising ko dito at niyugyug ko pa.
Ungol lang ang sinagot nito.
Lalo ko pa syang niyugyug para magising sya.
"ano ba!" naiinis na sabi nya sakin.
Aba maattitude ahh?
Try ko kayang lambingin.
Niyakap ko ito.
Try ko lang kung ano magiging reaction nya.
"hey luis. Gising kana dyan" ginising ko sya at talagang nilambingan ko pa yung boses ko.
Dahan dahan umangat ang gilid ng labi nya sa sinabi ko.
"eyyy kinilig sya oh" pangaasar ko dito at sundot sundot ko pa ang tagiliran nito.
Lalo naman itong ngumiti at tumawa na.
Kaya naman di ko sya tinigilan at kiniliti pa lalo.
Halos malaglag ang mata ko sa ginawa nito.
Pumatong naman ito sa akin.
"ikaw ahh gusto mo ng harutan ahh" nakangising sabi nya sakin.
Ako naman ay kinabahan bigla.
Iba kase yung ngisi nya.
Patay!
"ehh ayaw mo gumusing eh HAHAHAHA tama na baka ako makaihe Luis!" sigaw ko dahil kiniliti na ako nito.
Enjoy na enjoy naman itong kilitiin ito.
Hinang hina ako ng tumigil ito.
Ganun parin ang posisyon namin.
Napatitig ako sa mukha nya.
Sobrang gulo at talagang bagong gising pa ito.
Pero i won't deny it gwapo talaga itong si Night.
Tumitig din sya sakin pero dahan dahan nyang inilalapit ang mukha nya sakin.
Ramdam ko na ang mainit nyang hininga.
Di ako makakilos.
Shitt Cloude umiwas ka!
Shittt shiitt shitttt
"ay nakakaingit naman po sila Sana all" mapangasar na sabi ni Mom.
Kaya naman natulak ko bigla si Night at tumingin kay Mom na may mapangasar na ngisi sa amin.
Naginit ang mukha ko sa nangyare.
"Mom it's not what you think" mage explain pa sana ako pero pinutol na nya ako.
"i don't care sky mag luto kana ngayon" sabi nito sakin bago tumalikod.
Bat kase di ako marunong mag lock kakainis naman.
Nadinig ko pa ang pag tawa ng isa sa tabi ko.
Tinapunan ko naman ito ng masamang tingin.
"ikaw! Tulungan mo ako magluto" utos ko sa kanya.
"hoy ikaw inuutusan ni tita tapos isasama mo ako?"reklamo nya sakin.
Tumayo ako at hinila sya.
"come on Luis just help me okay ikaw na maguide sakin.. Umm magluluto ako ng Chicken curry eh" sabi ko sa kanya
Di naman ito nagpahigit at talagang kumapit pa sa bed sheet para di ko sya mahila.
"please luis i need your help" pagmamakaawa ko dito.
Pero wala padin.
"okay tulungan mo ako at ikikiss kita" sabi ko. Alam kong nagiinarte lang ito kaya gusto lang nya ng lambing.
Ngumiti naman ito at tumayo. Hinila pa ako nito.
"tara na basta yung kiss mamaya ahh bago matulog" sabi nya sabay kindat.
Hayss bipolar talaga!
×××× to be continued ××××