Chapter 1

1294 Words
Haru Delfin's POV: "Kasalanan mo ang lahat, kung pinipigilan mo lamang ang sarili mo na mapalapit sa kanila, edi walang mamamatay? Huwag ka laging papakampante na mayroon pang tao na magiging permanente sa buhay mo. Nakakaawang Haru, nabubuhay sa lungkot nang mag-isa? Nasaan na yung sinasabi mong mamahalin mo habang buhay?" sabi ng babaeng naka-itim na bumubulong sa aking tenga. "Tama na, tama na!" ang aking sinisigaw ngunit walang nalabas na tunog sa pagbukas ko ng aking bibig. Nakaaninag lamang ako ng liwanag nang tumunog na ang aking alarm clock at naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin. "Kuya, gising na! First day of school ngayon, nakalimutan mo ba? Fuyu, tulungan mo nga ako tanggalin mo kumot ni Kuya," ang sabi naman ni Natsu habang ginigising ako. Nakalimutan ko na tapos na nga pala ang summer vacation at simula na ulit ng pasukan. Mabuti at nakatalikod ako kila Natsu at Fuyu dahil nangingilid ang aking mga luha dahil sa aking napanaginipan. Sino kaya 'yung babae na yon? Bakit alam niya ang nangyayari sa buhay ko? Isinantabi ko muna ang mga tanong sa aking isipan para bumangon at ipagluto na ng umagahan ang aking mga kapatid. "Gising na ako, 'wag mo na tanggalin ang kumot Fuyu! Anlamig kaya, bumaba na kayo at magpapawala lang ako ng antok," utos ko. "Weh ano malamig eh nakabrief ka nga lang matulog eh!" hinablot ni Natsu ang kumot ko at lumabas kaagad silang dalawa ng kwarto habang natawa. "Hoy, ano ba parang nakakaloko eh!" sabi ko naman nang pasigaw. Mga ilang minuto akong napatitig sa ganda ng tanawin sa labas ng aming bahay. Mga naghuhunihang ibon at punong sumasabay sa masustansyang ihip ng hangin ang sumasalubong sa aking paningin tuwing umaga. Tumayo na ako sa aking higaan at nagligpit. Ako nga pala si Haru, ang aking pangalan ay nagmula sa salitang hapon na nangangahulugang "Spring" sa ingles. Ito ay isa sa apat na season sa bansang Japan. Kaya ganito din ang ipinangalan ng aking mga magulang sa tatlo ko pang nakababatang kapatid na sina Natsu (Summer), Fuyu (Winter) at Aki (Autumn). Kaming lahat ay isinilang sa Japan at dito na lumaki sa Pilipinas. Ang Nanay namin ay iniwan sakin ang mga nakababata kong kapatid para siya ay makapagtrabaho sa ibang bansa at kumita ng malaki. Kaya talagang mas pinag-iigihan ko ang aking mga ginagawa dahil ako ang may hawak ng responsibilidad sa aking mga kapatid. Habang bumababa ako ay nasilayan ko ang aking dalawang kapatid na masayang nag-uusap. Mukhang totoo nga na pagdating ng araw, pamilya padin ang magiging tahanan na uuwian mo. Akin ulit napansin na wala na naman si Aki, siguro tulog lang yon. Siya kasi yung kapatid ko na hindi ko masyado nakakausap dahil palaging wala sa bahay o kaya naman ay nagkukulong sa kwarto. Kapag naman tinatanong ko kung ayos lang siya sasabihin niya ayos lang siya. Pero kahit ganon lagi ko pa din siya kinakamusta. Kaya muli akong pumanik at kumatok sa kwarto niya. Nandoon nga siya at nakahilata, ako ay tumabi sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Aki, kung gusto mo na mag-umagahan, baba ka lang ha. Magluluto na ako ng umagahan natin," ang sabi ko sa kanya. Nanatiling sarado ang kanyang mata kahit naman nahahalata ko na siya ay gising na. Kaya nagpaalam na rin ako sa kanya at bumaba ulit para magluto ng umagahan namin magkakapatid. "Ya! Anong umagahan natin?" tanong ni Natsu na mukhang gutom na gutom na. "Okay na ba ang Tuna Omelette at Sinangag?" akin naman ding tanong. Madalas akong magtanong kung ayos lang ba ang aking nilulutong ulam para sa kanila dahil mas prayoridad ko kung ano ang mas gusto nila. Pero minsan, ito lang talaga ang choice dahil walang stocks sa refrigerator hehe. "Oo naman, aarte pa ba kami eh yan lang naman ang choice. 'Di ba Kuya Natsu?" sabi naman ni Fuyu habang sakal sakal si Natsu. "O...Ooo ek ngAaek," sabi naman ni Natsu. "Tama na Fuyu, tignan mo mamamatay na yang Kuya mo," natatawa kong sabi. Nagsimula na akong maghanda ng mga ingredients para sa aking lulutuin. Sa kaalaman ng iba, ang umagahan na kinakain namin ay ang amin ding tanghalian. Para na din mas makatipid at makabayad sa mga bayarin. Sabi din ni Nanay, pag nagkaroon ng pagkakataon ay isasama niya na ulit kami sa Japan. "Natsu handa mo na yung mga pinggan, maluluto na tong umagahan natin," utos ko. "Yes, Sir!" agad naman sinunod ni Natsu ang aking pinag-uutos. Nang matapos maluto ang Tuna Omelette at Sinangag, umupo na kami sa aming mga pwesto para makapagsimula na kumain. Simula kanina ay inaantay ko pa din bumaba si Aki, subalit nabigo padin ang aking ekspektasyon, pero sinabihan ko padin naman siya na ihahanda ko na yung mga gamit niya sa eskwelahan pag naisip niya na pumasok. Ako ang namuno sa pagdadasal bago kumain at sinundan naman din ito ng aking mga kapatid. Naniniwala kasi kami na dapat lahat ay nagkakaroon ng sharing ng prayers kaya may chance ang lahat na makapagsalita at makapagsabi ng pasasalamat at papuri sa Panginoon. "Amen," sabay sabay namin sabing tatlo sa dulo ng dasal. "Kuya, musta ka pala?" tanong ni Fuyu. Nagulat naman ako sa tanong niya. Si Fuyu kasi ang pinakabata kong kapatid at minsanan lang ako makarinig ng ganyan tanong sa mga kapatid ko at lalo na mula sa kanya. "Wow naman, bakit mo naman natanong? Mukha ba akong sadboy?" pabiro kong tanong. "Hindi naman, parang ngayon na lang ulit kita nakitang masigla eh. Ano nga kasi parang kang Nanay mo eh," sabi niya. "Ang Nanay ko ay nanay mo, ulaga ka.", sabi ko naman. Ang mga simpleng pangyayaring ganito sa umaga ay nagbibigay buhay sakin. Masaya ako na nakikita kong masaya ang aking mga kapatid at nakakahalubilo ko pa sila nang madalas. Kahit wala si Nanay, naging responsable kami sa isa't isa na dapat ay magbigayan kami ng pagmamalasakit at pagmamahal. "Eh sino Nanay ko, ampon ba ako?" tanong naman na pabiro ni Natsu. "Oo, bakit ka ba nandito? Alis ka na dito. Hindi ka namin kilala," tukso ko. "Sige, alis na ako," pakunwaring tayo ni Natsu dala dala ang kanyang pinggan na may pagkain. "Oh bakit mo dala yan, don ka amin yang pagkain yan. For REAL DELFIN lang ito.", sabi kong muli. Nagtuloy-tuloy ang asaran naming magkakapatid ngayong umaga. Sobrang sigla ni Natsu as always at napakamasiyahin naman ni Fuyu. "Joke nga lang eh, ito naman. You shattap IM A REAL DELFIN, I came from the sinapupunan of our Mother," sabay balik ni Natsu sa upuan. "Edi wow. Pero okay lang ako Fuyu, wala naman ibang ganap sa buhay ko kung hindi ang magluto ng umagahan niyo. Si Natsu kasi maalam naman magluto ayaw na ako pangunahan," sabi ko sa aking kapatid. "Wow Kuya, kasalanan ko pa ba na ikaw ang binilinan ni Nanay? Hehe," patuksong tanong ni Natsu. Nagkaroon naman bigla ng katahimikan ng narinig namin ang yapak ni Aki pababa ng hagdan. Napangiti naman ako at makakasabay namin siya sa hapag-kainan ngayong umaga. "Aki, tara dito upo ka," tawag ko sa kanya habang hinanda ang kanyang kakainin. Binati din siya ng aking dalawang kapatid at pinaupo sa kanilang tabi. Si Aki ay sadyang tahimik at minsan lang makipag-usap ngunit hindi nabago ang aming pakikitungo bilang kapatid sa kanya. Lalo na ako, mas inintindi ko siya dahil wala naman ibang tao ang higit na makaka-intindi sa kanya kung hindi kami kami lang din. Tahimik lamang siya hanggang sa pag-punta niya sa kanyang pwesto. Pagka-upo niya ay nagpasalamat siya sakin at nagdasal. Napansin ko na parang may mali sa kanyang inaasta sa nakaraang mga buwan. Ako nga lang ba ang nakakapansin? Sana'y mali na nga lamang ang aking mga hinala. Pagkatapos non ay nagsimula na ulit kaming magkwentuhan at tinapos ang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD