POV: JADE 1. ANG PARAISO NG SIRANG SALAMIN Lumakad sila sa loob ng Elysian Ring,at sa bawat hakbang, lalong tumitibay ang pakiramdam ni Jade na siya'y nahuhulog sa isang bangungot na nakabalot sa satin. Ang lugar ay isang biome. Isang malaking cylindrical garden na umiikot upang lumikha ng artipisyal na gravity. May mga puno, mga bulaklak, mga ilog. Ang mga ibon ay kumakanta. Ang hangin ay mabango. At sa lahat ng dako, may mga tao. Nakakagulat ang mga tao. Maganda ang mga suot nila—mga simpleng, flowing na damit. Naglalakad sila nang dahan-dahan, nag-uusap nang tahimik, o nakaupo lang at nakatingin sa malayo. Lahat sila'y nakangiti. Isang malalim, kontento, at nakakabahalang ngiti. "Grabe," bulong ni Silas sa tabi niya. "Parang isang... zen retreat na walang katapusan." "O isang asyl

