ANDREA HERNANDEZ Napatingin ako sa mga swimsuit na dala ko, pati na rin sa mga nandito sa closet ko. Wala akong mapili. ‘Yung iba masyadong revealing, baka isipin ay nagpapapansin ako. ‘Yung iba naman masyadong boring. Urgh! E ano naman? Bakit ba masyado kang nag-aabala, Andeng? Sermon ko sa sarili ko. Sa inis ko ay nahiga na muna ako sa kama ko. Ano bang nangyayari sa akin? “Andeng, tara swimming na tayo,” narinig kong tawag ni Jackie mula sa labas ng kwarto. “Susunod na ‘ko,” I answered. Hays…bahala na. Dali-dali kong sinuot kung anong unang madampot ng kamay ko na swimsuit at nagpatong na lang ng cover up ko. Nang makarating kami sa cottage ay prenteng nakaupo si Alfred at ang iba pa. Pasimple kong hinanap si Jake pero wala siya sa paligid. “Nag jetski siya,” bul

