“Mas maigi nga iyon Aling Selma upang mas matutukan sa paggagamot ang inyong asawa na si Mang Esteban. Alam ko naman po na makakaraos din po at gagaling siya agad lalo na kung doon siya ipapatingin sa sinasabi niyong kabihasnan,” sagot naman ni Vladimir sa kanya. “Ngunit Vlad, hindi namin kakayanin ang gastos sa kabihasnan lalo na sa ospital kahit pa may negosyo kami dito. Kaya nga mas pinili na lang namin ni Esteban na manirahan sa Sta. Barbara.” “Ako na po ang bahala sa ibang gastusin Aling Selma, may naitatabi pa naman po akong mga pera. Isa pa ay kasama na rin po doon ang bayad ko sa tinutuluyan ko,” dahil sa sinabi ni Vladimir ay napatingin sa kanya si Aling Selma dahil hindi niya inaasahan na gano’n ang sasabihin ng binata. “Sobra na ang tulong na ibinibigay mo sa amin Vlad, natat

