"Nawala na ang karapatan mong iyon simula nang paslangin mo ang iyong ina," nang banggitin iyon ni Haring Luther ay nawala ang ngiti sa labi ni Lucas at napalitan iyon ng masamang tingin at aura. "Walanghiya ka talaga!" naiinis na wika ni Lucas at alam ni Luther na galit na ito sa kanya. Akmang susugurin na ni Lucas ang hari ngunit pinigilan siya ni Aldous. "Umalis ka na lang dito habang nakakapagtimpi pa sa 'yo ang kamahalan," pagbabanta ni Aldous kay Lucas kaya naman napatigil eto sa pagsugod sa hari. Nangitngit naman sa galit si Lucas dahil wala siyang magawa mundi ang umatras sa ngayon dahil kung ipagpipilitan niya na sugurin ang kamahalan ay baka siya pa ang maunang maging abo. "Sa pag atras kong ito ay hindi nangangahulugan na hindi na ako muling babalik. Tandaan mo ito kapatid k

