Selene's POV:
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko. Kaya pinatay ko iyon at pumunta na ng CR para maghilamos at magtoothbrush.
Habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin ay bigla kong nakita ang kwentas na nakasuot sa leeg ko. I don't know why? Kung bat ko to naisipan na isuot kong wala namang may naghahanap sa akin. Haysst bahala na nga wag ko na lang kunin to.
Napag-isipan kong lumabas para hanapin si Kaizer. Para magpaalam kung pwede ako makapunta sa puntod ng Mama at Papa ko.
Tiningnan ko muna sa sala kong andoon sya o wala.
Wala sya haysst, kaya pumunta ako ng kusina pero ang apat na katulong lang ang nakita ko. At yung isa namn ay nakita ako kaya bumati silang apat sa akin. Binati ko din sila pabalik.
"Manang nakita nyo po ba si Kaizer?" tanong ko sa kanila.
"Young miss, hindi pa po lumalabas si Young master ng kwarto nya."
"Ahh, salamat po manang." napag-isipan ko na lang na pumunta na lang sa kwarto.
Haysst bukas na nga lang ako pupunta sa sementeryo.
Habang nagmumuni ako ay may kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya nagsabi ako na pumasok sya.
Nang makita ko ang mukha nung pumasok ay umayos ako ng upo.
"Good Morning Selene," ang bati sa akin ni Kaizer.
Tama si Kaizer ang pumasok sa kwarto ko ewan ko ba kung bat sya pumunta dito.
"Good Morning din Kaizer." bati ko naman pabalik sa kanya.
"Hmm... Bat ka naparito?" agad kong sabi kay Kaizer.
"Ahh.. Kasi diba? Pumayag kana sa alok ko? Sa Saturday kahit na sa Mayor lang tayo magpakasal. At wala tayong problema doon dahil Daddy ni Chen ang kakasal sa atin kaya wag kang matakot." ang sabi nito sa akin at tumango lang ako.
"Cge ayan lang ang pinunta ko sayo." at umalis na si Kaizer sa harapan ko.
At ako naman ay tiningnan ang sarili sa salamin na hindi makapaniwala dahil ikakasal ako sa isang Kaizer Kiel Madrigal na kumidnap sa akin.
Tiningnan ko ang oras at 11:30 na kaya naisipan kong bumaba. Hahakbang sana ako ng Makita ko si Carol na paakyat na ng hagdan at nakita nya ako.
"Young miss tatawagin sana kita para kumain na kayo ni Young miss." agad nitong sabi sa akin.
"Ahh..sige manang pupunta na po ako doon." agad ko namang sabi at naglakad na papuntang dining area.
Nang dumating na ako sa hapagkainin ay nakita ko si Kaizer na nakaupo doon. At nakatingin sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Si Kaizer naman ay tinuro ang upuan sa harapan nya at doon ako umupo.
Kumain lang kami ng walang imikan. Pero hindi ako mapakali dahil alam ko na tinititgan ako ni Kaizer habang kumakain. Kaya hindi ako makasubo ng mabuti.
Mga ilang minuto na kain ko ay nagpaalam ako kay Kaizer na maliligo at magbibihis na para pumasok sa hospital.
............
Kaizer's POV:
Nabwesit ako sa matandang hukloban na yun paano nya natitiis na yung apo nya na ayaw magpakasal sa iba?
Kung gusto nya sya na lang sana magpakasal doon sa babaeng yun para tapos. Habang namomroblema ako ay tumawag sa akin si Chen.
"Bro, sabi daw ni Dad hindi daw sya busy sa sabado?" agad naman nitong sabi.
"Sige bro, kakausapin ko muna si Selene about sa kasal namin."umoo namn ang nasa kabilang linya at enend call ko na.
At ayun nga na napag isipan ko na puntahan si Selene sa kwarto nya at pinapasok namn nya ako at sinabi ko na din kong kailan ang kasal namin.
Alam kong kinakabahan si Selene dahil makikita ko yun sa galaw nya. At hindi pa sya sanay.
Tiningnan ko muna ang oras sh*t 12:30pm? Haysst so it means ang tagal ko na nag isip? Pumunta na ako ng CR at naligo.
Mga ilang minuto din ay lumabas na ako para magbihis dahil pupunta din ako sa hospital. Nang matapos ako ay pumunta na ako sa baba para hintayin si Selene.
Habang naghihintay ako sa kanya ay nanonood ako ng movie. Sa totoo lang hindi ako mahilig manood ng mga ganito. Basta binuksan ko lang ang TV para hindi ako mainip.
Habang nasa kalagitnaan na ako sa pinapanood ko ay may biglang nagsalita sa Likod ko kaya napaharap ako sa kanya.
"Kaizer tara na." ang sabi ni Selene sa akin. Ang ganda ganda nya pagnakaputi syang damit.
"Ahh..sige tara na." habang nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga maalis yung mga mata ko kay Selene dahil hindi sya nakakasawang tingnan.
Pumunta muna ako ng kusina para magpaalam sa mga katulong at umalis na kami ni Selene.
Habang nagdadrive ako ay tahimik lang kaming dalawa at buntong-hinga lang ang naririnig ko sa kanya.
----------------
Selene's POV:
Habang nasa byahe kami kanina ay sobrang tahimik ko dahil alam nyo na kinakabahan parin ako for sure sa susunod na araw.
Nandito na kami ngayon sa Hospital at kinakausap nila ako kung bat daw ako absent kahapon. Syempre ako namn ay nagsinungaling na sumama lang ang pakiramdam ko kaya hindi ako nakapasok buti na lang at naniwala sila.
Habang nakaupo ako ay tinawag ako ng Head Nurse namin na pumunta ako sa Room 126 para ipainom sa bata yung gamot at may iinject pa akong gamot sa dextrose nya. At kilala ko na yung batang iyon kaya madali ko lang syang mauto. Kaya nakangiti akong pumunta doon pero may kaba akong naramdaman habang papunta ako sa Room ng bata.
Andito na ako sa Room ni Kelly ng may naririnig akong nagtatawanan dahil kinakausap sya ng isang lalaki. Kaya binuksan ko ang pinto, doon na lang ang gulat ko ng makita ko si Kaizer na nakikipagtawanan kay Kelly.
"Hi Nurse Selene." agad na bati sa akin ni Kelly.
"Hello Kelly, how are you?" agad ko namng sabi habang humakbang papalapit kay Kelly.
"I'm good na po hehehe." ang sabi nito habang natatawa.
"Nurse Selene, can i call you ate? Cause i have no ate eh.. Ohh!! I forgot? This is my kuya Kaizer. Kuya say hello to ate Selene." tumango namn ako doon sa sinabi nyang gusto nya akong maging ate. At doon lang ako kinabahan ng ipinakilala ako ni Kelly kay Kaizer.
Bat ngayon ko lang naisip na Madrigal pala tong si Kelly at ang worst pa kapatid sya ni Kaizer.
"Hi, Nurse Selene." agad namn na bati sa akin ni Kaizer.
"Hello S-sir Kaizer." kinakabahan kong sabi.
"Call me Kaizer. Ate ka naman ni Kelly." habang nakangiti ito kay Kelly. Si Kelly namn ay niyakap nya ang kuya nya at nagkwento.
You know what kuya? Si ate Selene noon yung nagpakain sa akin hehehe. Dahil ayoko kasi kay kuya Kevin kaya nagpatawag na lang si kuya ng nurse at si ate Selene ang napili nya kaya kumain ako." kwento nito sa kuya nya at tiningnan ako ni Kaizer. Yung tingin na yun na parang nagpapasalamat ba sya dahil ginawa ko yun.
"That's good to hear that lil sis." sabi namn ni Kaizer.
"Kuya what time are you going home?" tanong naman ni Kelly kay Kaizer.
"Later at 11pm bakit ayaw mo na bang andito si kuya Kaizer?" agad naman na sabi ni Kaizer at nagulat ako doon dahil hanggang 11 sya dito. So it means sya magbabantay kay Kelly dahil may importanteng gagawin si Kiven sa Office nila.
"Yeheeeeey!!!! You hear that ate Selene? Babantayan ako ni kuya hanggang 11pm." masaya nitong sabi sa akin at niyakap nya si Kaizer ako naman ay napangiti dahil alam kong namiss ni Kelly si Kaizer kasi parang pinapakita ni Kelly na hindi nya nakikita yung kuya nya ng ilang buwan.
Ako naman ay tinapos na yung dapat tapusin at nagpaalam na sa kanilang dalawa na babalik na ako sa E.R.
Pumayag namn sila kaya umalis na ako.
...............
Kaizer's POV:
Sa totoo lang sinabihan ko si Kiven na sya muna sa kompanya at ako muna ang magbabantay kay Kelly para magsabay kami ng uwi ni Selene mamaya. Kaya Umoo naman si Kiven at umalis na ng hospital. Pero hindi ko sinabi na para kay Selene to kung bat ako ngayon sa hospital hahaha pero joke lang yun at gusto ko din makasama si Kelly dahil alam ko na sobrang miss na ako ng kapatid ko.
"Kuya." tawag sa akin ni Kelly.
"What is it lil sis." sabi ko naman.
"Do you have Girlfriend na." nakangiting sabi nito sa akin.
"Magkakaroon pa lang lil sis bakit?" agad ko namang sabi.
"Nothing kuya, pero ipakilala mo sya sa akin ha? Gusto ko yung katulad ni ate Selene. Ang bait bait nya kasi eh hehe." ang sabi naman nito at napangiti ako dahil gusto nya ang isang katulad ni Selene. Kung alam mo lang lil sis na papakasalan ko sya. Baka tumalon kana sa kinahihigaan mo ngayon. Tapos magmamadali kang umuwi sa bahay para makita lang sya.
"Bat gusto mo yung isang tulad ni Ate Selene?" nagtanong ako sa kapatid ko. Baka nga masagot nya yun.
"Para sa akin kuya ha? Bagay kasi kayo kaya ganun. Hehehe.." kinikilig pa nitong sabi sa akin. Hay naku po, Akala ko maganda yung sasabihin nya at yun lang naman pala. Minsan kasi parang matanda ng mag isip si Kelly. Nong ilang minuto ay naglaro na lang si Kelly ng IPAD nya pero bigla nya akong tinawag.
"Kuya Kaizer." agad naman ako napatingin sa kapatid ko.
"Ano yun lil sis?" agad ko namang sabi.
"Pwede ba kayong dalawa ni ate Selene magpakain sa akin mamaya?" ako naman ay nagulat dahil sa tanong nya.
"Bat naman gusto mong makasama si ate Selene at ang gusto mo pa na kaming dalawa ang magpakain sayo?" agad kong tanong.
"Nafefeel ko kasi kuya na isang pamilya tayo ganon haha." napapamura na lang ako sa isip dahil sa kalukuhan nitong kapatid ko.
"Ikaw talagang bata ka." at kinurot ko ang pisngi ni Kelly.