Chapter 10

1074 Words
Kaizer's POV: (Before going to Kaizer's house to meet Selene) Sinundo ko muna sila ni Chen sa Restaurant para makasama sila sa amin ni Selene mamaya. Pagkadating ko doon sa restaurant na sinasabi nila ay tinawagan at pinaalam na nandito na ako sa labas. "Bro, nandito na ako sa labas asan na kayo?" agad kong tanong. "Pasensya kana bro. Ang tagal kumain ng kasama ko pasok ka muna dito." umoo naman ako at pumasok na. Nakita kong kumaway si Chen kaya pumunta ako doon sa table nila at umupo. Ahh..bro, si Danica Villanueva pala girlfriend ko." nakangiwi pang sabi nito at natawa naman ako ng palihim. "Babe, si Kaizer Madrigal pala kaibigan ko siya iyong sinasabi kong ikakasal." agad naman tumingin sa akin iyong Danica at ngumiti. "It's nice to see you Kaizer." at inilihad nya sa akin ang kamay nya pero hindi ko yun tinanggap dahil alam nyo yun kinakamay nya yung kinakain nyang isda sh*t lang.. "Yeah it's nice to see you too Danica." "Naglahad ako ng kamay sayo Kaizer pero bakit hindi mo tinanggap?"agad na sabi nito sa akin at napakalakas pang sabi nito. "Sorry kasi, tingnan mo iyang kamay mo? Paano ako makikipagshake hands sayo kung marumi iyan."agad ko namang sabi at tiningnan niya iyong kamay niya. "Sorry hehehe." "Babe, maghuhugas lang ako ng kamay, Tapos magbabanyo, antayin nyo ako." paalam nito kay Chen at umalis na. "Bro. Totoo ba na Girlfriend mo yun?" tumango naman sya at bigla akong napatawa. "Mukhang under ka ngayon." agad ko namang sabi at ngumiwi lang siya. "By the way bro, saan mo nakilala si Danica?" "Ahh Friend kasi ni Mommy yung Mommy ni Danica." agad naman nitong sabi pero nagulat ako dahil sa nabanggit nya "What do you mean bro?" agad ko namang tanong. "Kasi ganito bro, Fortaleza ang Mommy ni Danica so nag asawa ng Villanueva yung Mommy nya kaya ayan hindi mo makikilala si Danica dahil nga Villanueva sya." agad namn ako napatango at nag isip. Mga ilang minuto na antay namin ay dumating na si Karen umalis na kami at pupunta kami sa bahay para sunduin si Selene. Pagkadating ko sa bahay ay pumunta muna ako sa kusina para uminom ng tubig at pumunta muna ako kila Chen napupunta ako sa taas at para na rin na tawagin na si Selene at magbibihis ako ng ibang damit. Tumango naman ang dalawa kaya umakyat na ako. Napag-isipan ko muna na puntahan si Selene sa kwarto nya pero pagkabukas ko ng pinto ay narinig ko syang kumakanta. As in ang ganda ng boses nya dahil sa nagmamadali kami dahil traffic ay hinawakan ko ang balikat nya at nagulat naman sya. Sa totoo lang napatulala ako ng humarap si Selene sa akin pero hindi ko lang iyon pinahalata. Ang ganda nya sa suot nyang dress ngayon. Nung sinabi kong andyan na sila ni Chen sa baba ay nagpaalam na din sya na baba sya at nagsabi ako na magbibihis muna ako bago kami umalis. Habang nasa kwarto ako ay naalala ko parin yung boses ni Selene kaya napapangiti na lang ako. Pababa na ako ng hagdan ng marining ko ang sinabi ni Danica na... May makakasama na daw syang magshopping dahil kaibigan na nya daw si Selene. Haysst yung babaeng talagang yun. Nagpakita na din ako sa kanila at umalis na kami. (After 1Hour and 2 minutes) Nakarating na kami sa pagsusukatan ng damit ni Selene. Pinasamahan ko kay Danica si Selene para may umalalay kay Selene at buti naman ay pumayag si Danica kaya wala na akong poproblemahin pa. Habang nag-aantay kami ay biglang nagsabi sa akin yung babae na tapos na daw pumili at isusukat na lang daw ng Bride ang damit na napili nya. Kaya nag antay pa kami ni Chen dahil sobrang tagal. Bumukas ang kurtina at dahan-dahan akong tumingin kay Selene. Napapamura ako sa isip ko dahil ang ganda nya Promise.. Paano kaya kung sa simbahan kami ikakasal ano kayang gagawin ko. Haysst, basta ito muna ang proproblemahin ko. Pinakita na nila sa akin ang damit at sinabihan ko din si Selene na kung gusto nya yun ay tumango naman ito. Sinabihan ko na lang sila na edeliver na lang sa bahay bukas at umalis na kami para pumunta sa Jewelry dahil bibili kami ng Wedding Ring. Habang nasa Jewelry store kami ay sobrang ingay ni Danica dahil kinakausap nya si Selene at kami naman ni Chen ay pumili ng Wedding Ring dahil tinutulungan nya ako. Mga ilang minuto ay sumiksik sa amin si Danica at may hinahanap. Nung nakita nya yun ay binili nya, kwentas iyon na ang nakatatak ay Best Friend. Kaya napatawa na lang ako dahil sa naisip ko kasi alam ko na ibibigay nya kay Selene yung isa at narinig ko pang... "Selene oh look ang ganda diba? So best friend na tayo kaya sayo tong isa." habang nakangiti nitong sabi kay Selene at tumango naman ito. Nakita kong isusuot na sana ni Danica yung kwentas na ibinigay nya kay Selene pero nagulat ito. At nakita kong biglang-bigla si Danica dahil sa nakita nya. Ewan ko ba kung bat sya nagulat. Pupuntahan ko sana sila ng tawagin ako ni Chen. "Bro, ito oh..pero sukatin mo muna yung ring finger ni Selene." agad nitong sabi at tumango ako kaya pumunta sa kanya. Si Danica naman ay natahimik sa tabi ni Selene, ewan ko ba kung bat hindi na to nag-iingay. "Let me see your ring finger Selene." tumango naman ito sa akin at bumalik ang tingin kay Danica na ang tahimik sa gilid nya. Pagkatapos naming bayaran ang singsing ay umalis na kami at kumain muna bago umuwi ng Bahay. Pero kanina pa talaga ako nagtataka kay Danica dahil ang tahi-tahimik nya. Hindi ako sanay na ganito sya kahit na kakilala lang namin. Inalis ko na lang sa isipan ko ang tungkol kay Danica at nagdrive na lang ng mabilis. Pagkadating namin sa Bahay ay hinatid ko muna si Chen at Danica sa kwarto nila dahil si Selene ay nauna ng pumasok sa kwarto nya para magpahinga. Dumeretso na din ako sa kwarto ko pagkatapos kong ihatid si Danica at Chen sa sarili nilang kwarto at natulog na. ------------ Danica's POV: Yung kwentas na yun nakita ko na ang kaparehas non eh... Parang kay Tita Krylle ko ata nakita. Haysst bahala na nga... matulog na ako at bukas ko na iisipin yung nakita ko kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD