Chapter 16

1185 Words
Selene's POV: Maaga pa akong nagising dahil kanina pa talaga ako naiihi pero ng tumingin ako sa sofa ay nakita ko si Kaizer na nakahiga doon at hinayaan ko na lang. Dahil ihing-ihi na ako. Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat ako dahil andyan sya sa pintuan ng CR. Tapos gulong-gulo pa ang buhok tatawa sana ako ang kaso lang pinigilan ko na lang dahil may kasalanan to sa akin. "Selene' please let's talk." agad nyang sabi sa akin pero hindi pa ako nakakaalis sa CR. "Kaizer paano tayo makakapag usap kong nakaharang ka dyan sa pintuan at uupo ako dahil nangangalay na tong paa ko." agad na sabi ko at pinadaan nya naman ako. Umupo na ako sa kama at tiningnan sya. "Selene, Hear my explanation first bago mo ako husgahan." agad nitong sabi at kumunot lang noo ko. Sya naman ay nagkukuwento lang kasi gusto kong marinig ang explanation nya. "Kasi ganito yun Selene, nung lumabas ako dito sa kwarto mo na bumili ng pagkain natin ay tumawag si Bernadeth na andoon daw sya sa bahay NATIN." totoo ba narinig ko yung NATIN. "Syempre pumunta ako doon at ang gagu ko lang kasi hindi ako nakapagpaalam at hindi ko nabigay sayo ang inorder kong pagkain dahil sa pagmamadali. At yun sa nakita mo? Nagawa ko lang yun dahil ayokong mapahamak ka dahil kaya nyang gawin yun. Please, I'm so so so sorry Selene." alam kong sincere yung paghihingi nya ng paumanhin sa akin. Pero ako may tampo epic pa kaya bahala sya dyan magdusa. "Selene naman." tinawag nya ako dahil humiga ako. At tumalikod sa kanya yung feeling na nag iinit na yung pisngi mo dahil sa simpleng explain na yan. "Selene yung sinasabi mong yung kasal natin. TOTOO YUN." nagulat ako dahil sa sinabi nya. "Selene Believe me, totoo yung kasal na yun. Gusto ko lang na nasa huwes tayo ikasal dahil baka malaman ng mga magulang ko at yung babae na pumunta sa bahay kagabi pero dahil mautak yung babaeng yun ay nalaman nya." nakatingin na ako sa kanya dahil sa pagkabigla ewan ko ba na may saya na konti sa dibdib ko ng marinig ko na totoo yung kasal namin. Pero bahala sya.. "Wala ka bang sasabihin sa akin. Titigan mo lang ako?" agad naman na tanong ni Kaizer sa akin at nakangiti. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa sinabi nya. "Ang masasabi ko lang sayo ay Matutulog na ako." agad ko namang sabi. Kumunot naman ang noo ni Kaizer dahil sa sinabi ko. "Really Selene? Kakagising mo lang tapos matutulog ka na naman." alam kong napipikon na sa akin si Kaizer. "Sige ganito na lang bilhan mo ako ng pagkain doon sa labas at gusto ko bumalik ka dito. Pag hindi ka bumalik hinding-hindi kita kakausapin Okay?" agad ko namang sabi sa kanya at tumango naman sya. "Sige pagbalik ko. Usap tayo." agad nitong tanong sa akin at tumango naman ako dahil hindi ko sya matiis dahil Mahal ko eh.. Alam nyo ba kagabi narinig ko yung sinabi nya dahil hindi pa ako tulog nun at naramdaman kong hinalikan nya ako sa noo. Parang gusto kong sumabog nun sa sobrang kilig ewan ko ba. At yung nagsabi sya ng 3words sa akin mas namula ako doon at nung naramdaman ko na umalis sya at humiga doon sa sofa ay nagising ako. Nag-aantay ako ng ilang minuto pero wala parin sya. Kaya kinabahan na namn ako. Paghindi talaga sya bumalik kikitilin ko buhay nya. —————— Krylle Fortaleza's POV: Nung unang kita ko pa lang kay Selene na pumasok ako bilang doctora sa Hospital ay gusto ko na talaga makuha ang dugo nya para sa DNA test. Syempre gusto ko na din malaman kung anak ko ba talaga sya o hindi. Nung nakita ko din sya sa Canteen na gusto na nyang kumain pero ayaw ibigay ng Tindera yung pagkain na inorder ni Kaizer. Pumunta ako doon para pagsabihan ang tindera na ibigay na lang sa kanya at ako na ang magbabayad. Alam kong lumabas pa sya dahil gustong-gusto na nyang kumain tapos ayaw pa ibigay pa ng tindera dahil daw wala pang bayad. Rinig na rinig ko yung sinabi ni Selene na babayaran nya mamaya yung pagkain pagnakabalik na sya sa Room nya pero ayaw ng tindera kaya doon ako lumabas. At nung sinubuan nya ako naiyak ako doon dahil paano kaya kong nandito ang anak ko tapos susubuan nya din ako katulad ng ginawa ni Selene. Habang iniisip ko yun ay may biglang yumakap sa likod ko. "Ano naman iniisip ng Wifey ko." "Hubby kasi yung bata parin na nakita natin sa hospital sya parin nasa isipan ko palagi." "Ikaw talaga.." "Hubby kumuha ako ng dugo nya kasi nasa hospital sya ngayon at nilalagnat sya. Paano kong ako kaya magbantay sa kanya hubby buong araw doon sa hospital." agad ko namang sabi sa asawa ko. "Nagbibiro ka ba dyan Wifey." "No hubby, malapit ko na din malalaman na kung anak ba talaga natin sya o hindi hubby." "Sige susuportahan na lang kita dyan." at hinalikan ako ng asawa ko sa labi. "Aalis muna ako Wife dahil kailangan kong pumunta sa Office atsaka magpahatid ka kay Mang Robert kung papasok ka ngayon." tumango naman ako at tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Ilang minuto din ako nakatulala ng may tumawag sa akin ang kaibigan kong si Doctora Jenny sya ang pinagbigayan ko ng dugo ni Selene. "Sis, punta ka mamaya sa Clinic ko dahil may ipapakita ako sayo." agad nitong sabi sa akin. "Ano ba sasabihin mo sis dali na para malaman ko." "No no no, gusto ko is ikaw mismo ang makapagtuklas nito sis kaya punta ka mamaya sa clinic ko Okay?" "Sige na nga, importante ba yang sasabihin mo sa akin Doc. Jenny" "Oo namn, importanteng-importante Doctora Krylle hahaha." "Sige punta ako later dyan. Atsaka kailangan ko na din mag-ayos dahil pupunta na din ako dyan sa Hospital." "Sige Bye see you later Mwuahh." "See you later din sis Mwuahhh." Habang nag-aayos ako ay iniisip ko kung ano ang sasabihin ni Jenny at kinakabahan ako syempre baka kalukuhan lang sasabihin nyan. Lumabas na ako ng bahay at pumunta kay Mama doon sa palagi nyang tambayan. "Mama aalis na po ako." "Sige anak mag ingat ka." "Opo Mama." at hinalikan ko sya sa pisingi. "By the way anak kamusta yung iniimbestigahan mo?" "Ma baka next week ko makukuha yun." sabi ko habang nakangiti sa kanya. "Pag sya talaga si Khloe anak iuwi mo na sya dito sa bahay okay?" tumango naman ako at nagpaalam na baka malate ako. Mga ilang minuto na byahe namin ay nakarating nadin ako ng hospital at pumunta muna sa table ko para ilagay ang mga gamit ko. Bigla namn nag beep ang phone ko at nakita ko ang text ni Doctora Jenny. Doctora Jenny: Sis punta ka dito later sa Clinic ko dahil nandito na ang DNA test mo. May saya at kaba dito sa dibdib ko dahil andyan na ang DNA test at malalaman ko na talaga kong sya ba talaga si Khloe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD