Khloe's POV: Ang sakit sa damdamin na inayawan ka ng anak mo. Pero kahit ganon ay pipilitin kong ibalik ang dati kahit na mahirapan ako. Nakaupo lang ako sa sofa at nasa kabilang sofa naman si Kaizer. Tinitingnan ko sya pero hindi nya iyon napapansin dahil malalim ang iniisip nya. Ako lang naman ay tahimik lang din simula nung bumalik na sa kwarto si Nikki. Habang nakaupo ako ay biglang tumayo si Kaizer. Napatingin naman ako sa kanya na nagtataka. "Bakit?" agad kong tanong. "Hmm..magluluto lang ako ng pagkain nila para mamaya." "Ahh... pwede bang ako na lang magluto?" agad kong tanong sa kanya. Tumango naman ito kaya tumayo na din ako at pumunta na ng kusina. Habang nagluluto ako ay nakangiti ako at hindi ko inisip ang nangyare kanina dahil iiyak lang ako ulit pag ginawa ko iyon.

