Selene's POV:
Sa tagal kong na admit sa Hospital ay nakalabas din ako sa wakas kaya ang saya saya ko ngayon na makakalabas na ako. Pero naiisip ko parin yung nangyare sa bahay ni Kaizer. Yung dapat na hindi ko sana makita ay palagi ko yung naiisip. Ewan ko ba masyado atang hindi ako makakalimutin.
Habang nagliligpit ako ng gamit ko ay may bumukas ng pintuan.
"Hi Selene, how are you?"
"I'm okay now Doc. Thanks for caring me."
Gusto nyo malaman kong sino yun? Syempre yung Doctora na palagi kong kasama dito sa room ko si Doctora Krylle.
"Wag ka muna magtrabaho okay? Ako na lang bahala sa Leave mo dahil kakagaling mo lang sa sakit Selene."
"Nakakahiya naman Doc. Plano ko po sana na magtrabaho na bukas hehehe." biro kong sabi.
"NO! Hindi ka magtatrabaho dahil ako na bahala sa leave mo." nagulat ako doon dahil sumigaw sya.
"I'm sorry hindi ko sinasadya na sigawan ka."
"Okay lang po yun Doc." agad ko namang sabi.
"Namiss ko na nga din po yung sigaw ng Mama ko pag nagiging makulit po ako sa bahay hehe."
Nakita ko naman na lumungkot ang mukha nya kaya lumapit ako kay Doc. Krylle. At hinawakan ang kamay nya.
"I know po na namimiss nyo na po ang anak ninyo. Pero wag po kayo mawalan ng pag-asa na hanapin sya." agad ko namang sabi.
"Sa totoo lang kasi Selene nahanap na namin sya pero hindi namin alam ng Daddy nya kong paano namin sya makakausap."
"Hmm.. Kung nahanap nyo na po sya bigyan nyo po muna sya ng oras tapos po kausapin nyo sya pag may oras po kayo ng asawa mo." agad ko namang sabi.
"Oo nga eh..ganyan din sabi ng asawa ko sa akin na bigyan namin muna sya ng oras. Bago namin sya kausapin pero excited na talaga ako na makasama ang anak ko sa iisang bahay." nakangiti nitong sabi.
Ang swerte naman ng anak nila kung si Doctora Krylle ang Mommy nya dahil maalagain ito kahit na sobrang busy nyang tao.
"Gusto mo ba ng tulong ko Selene, na magligpit ng damit mo?" agad naman nitong tanong.
"Nakakahiya namn doc. Okay na po ako na lang."
"No, tutulungan na kita dahil gusto kong tulungan ang pasyente ko na nagliligpit ng gamit nya." nakangiti nitong sabi sa akin kaya ngumiti din ako pabalik.
Paano kaya kung si Doctora Krylle ang Mama ko. Baka sasaya pa ako dahil palatawa sya at hindi nya pinapahalata sa iba na may problema syang dinadala kahit na meron naman.
Habang nagliligpit kami ng gamit ay bumukas ulit ang pinto at si Kaizer ang bumungad doon.
"Selene okay kana ba?"
"Yes Kaizer, kasi tinulungan ako ni Doc na magligpit ng gamit ko."
"Ahh.. Okay, tawagin mo na lang ako pag aalis na tayo." tumango naman ako bilang sagot.
"Selene" tawag sa akin ni Doc.
"May something ba kayo ni Kaizer?" agad naman nitong sabi sa akin.
"Wala po ah.." pagsisinungaling ko.
"Talaga? Bagay kasi kayong dalawa eh..at palagi syang nandito sa Hospital kahit na busy sya."
"Ganyan po talaga Doc. Dahil kaibigan nya lang po ako at wala na pong iba hahaha.." agad ko namang sabi na may sabay na tawa. Kaya natawa din si Doc Krylle at lumabas na ako para tawagin si Kaizer at uuwi na kami ng bahay.
"Kaizer tara na.."
"Sige, akin na bag mo at dadalhin ko na sa Kotse." binigay ko namn ang bag ko at tumingin kay Doc para magpaalam na.
"Doc aalis na po ako."
"Sige, pero gusto ko sumama hanggang sa labasan lang." tumango naman ako at naglakad kaming dalawa ni Doc Krylle papunta sa Exit ng Hospital dahil doon nag aantay si Kaizer.
Pagdating namin doon sa Exit ay nagpaalam ako ulit at niyakap naman ako ni Doc Krylle.
Habang nagbabyahe kami ay nakatingin lang ako sa labas. Kasi namiss ko na talaga na gumala at maglakad lakad man lang.
Habang nagmumuni-muni ako ay bigla na lang ako kinausap ni Kaizer.
"Selene." agad nitong tawag sa akin.
"Bakit Kaizer."
"Gusto mo bang gumala ngayong araw at may gusto din kasi akong sabihin sayo."
"Sige ba, atsaka yung sasabihin mo dapat ngayon na para hindi namn ako mabigla."
"Hindi pwede yun eh..!! Surprise nga!! Kaya nga kita niyaya diba?" sigaw naman nito sa akin kaya napanganga ako dahil ngayon lang nya ako sinigawan.
Alam kong nabigla din sya sa ginawa nya.
"Sorry Selene." agad nitong sabi.
"Okay lang yun, ano ka ba?"
"So you mean date ang gagawin natin?" agad ko tanong sa kanya.
"Yes, basta behave ka. Ayoko ng makulit." agad nitong sabi at tumango namn ako.
"Sige sige.." excited naman ako dahil doon kasi first time ko makipagdate.
Natahimik kami ng ilang minuto. Pero binasag ko ang katahimikan dahil may gusto akong sabihin.
"Kaizer." agad ko namang tawag.
"Paano kong makita ko yung totoong magulang ko at kukunin nila ako sayo. Kaya mo ba akong ipaglaban?" agad kong tanong sa kanya.
Pero sya natahimik lang at hindi nya sinagot ang tanong ko kaya pinikit ko na lang ang mata ko para wag ko ng isipin yun at matulog dahil medyo malayo pa ang Bahay ni Kaizer.
------------
Kaizer's POV:
Natahimik ako dahil sa tanong ni Selene. Ewan ko ba bat hindi ko yun masagot dahil ilang buwan na lang ay mawawala na ako.
At gusto kong ngayong buwan na to ay gusto ko syang makasama. At gusto ko din sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
Ang kaso lang masasaktan ko sya pagkatapos ng buwan na to at sana lang wag nya akong kamuhian dahil sa gagawin ko.
Sa akin lang gusto ko syang makasama hanggang sa pagtanda ko pero hindi yun mangyayare dahil may humahadlang sa amin kaya gusto ko muna tapusin ang problema ko.
Pagdating namin sa gate ng bahay ay bumusina muna ako at pinagbuksan naman ako ng guard kaya nakapasok ako agad. Pagdating ko sa pintuan ay lumabas muna ako at tinawag sila ni Manang para kunin ang gamit ni Selene at ilagay sa kwarto nito.
Binalikan ko naman si Selene para gisingin ito.
"Selene wake up where here, doon mo na ipagpatuloy ang tulog mo sa kwarto mo para mamaya hindi ka antukin sa date natin." nakangiti kong sabi at tumango naman sya.
Nakita ko na naglalakad si Selene sa hagdanan at alam kong matutulog yun dahil nga sinabi ko.
Napag-isipan ko na din na tawagan ang Restaurant na kakainan namin ni Selene mamaya.
Habang nagbabasa ako ay napatawag ang UNKNOWN number sa akin.
"Hello Madrigal, kamusta kana?"
"Ano? Nasabi mona ba sa pinakamamahal mong babae na magpapakasal kana sa iba?" sabi sa kabilang linya at napapamura na lang ako sa isip ko at nakikinig lang ako sa sasabihin nya.
"Baka gusto mo ako pa magsabi sa kanya?" at doon na din ako nagsalita.
"At yan ang wag mong gagawin. Tandaan mo yan dahil pag ikaw ang magsabi sa kanya. Tingnan natin kung saan ka pupulutin dahil alam ko kung sino ka?" agad ko namang sabi. Alam kong kahit na hindi ko nakikita ang kausap ko sa kabilang linya ay nagulat ito.
"At hayaan mo akong magsabi sa kanya na magpapakasal ako sa iba. Wag kang gumawa ng ikakapahamak mo dahil kayang-kaya kitang patumbahin. Paalis ka pa lang pabalik na ako sa Pinag alisan ko. TANDAAN mo yan.." pahabol kong sabi at pinatay na ang tawag dahil sa galit ko din.
Hinilot ko na lang ang sintido ko dahil sumakit iyon at pinikit pikit ko naman ang mata ko dahil sa nahilo ako dahil kulang lang ako sa tulog.
Pagkatapos kong hilut-hilutin ang sintido ko ay pumunta na lang ako sa kama ko at humiga. At ang ginawa ko na lang ay nag-alarm ako para magising din ako dahil baka makalimutan kong date pala namin ni Selene ngayong araw.
_________
Someone's POV:
Humanda ka talaga sa akin Madrigal dahil pag ikaw kinasal kay Bernadeth. Malalaman mo kong paano maging basura.
Kinuyom ko naman ang kamao ko dahil naisip ko naman ang sinabi nya kanina. Akala ko hindi nya ako makikilala. Doon pala ako nagkamali.