I love you . . Hinintay ko lang na kumulo ang tubig para sa dalwang tsa-a na gagawin ko. Nasa kusina na ako habang hinihintay siya. Pinasok na niya si Ethan sa kwarto. The day was tiring but its all worth-it. Bukas balik na naman ulit sa totong mundo ko. Isang linggo na lang din at babalik na kami ng Italya ni Ethan. . "No sugar, please," mahinang tugon niya sa tabi ko. . I sighed deeply while making his tea without giving him a glance. Hindi pa rin okay ang puso ko at ramdam ko pa rin ang namumuong tensyon sa aming dalawa. Tahimik siya sa gilid, at nakasandal sa kitchen counter. Hindi ko na napansin na nalagyan ko rin ng asukal ang para sana sa kanya. . "Oh, god!" buntonghininga ko. . Napatingin na siya at mariin lang din na niyakap ang likurang bahagi ko. Ramdam ko agad ang da

