Ate Ving, tayo na, nandyan na Sila auntie Gemma sa baba naghihintay, ang tawag ni Ed sa kanya. Habang palabas na sila ng daungan ay Nakita nila ang van nila Adonis na nakapark sa gilid ng kalsada. Bumukas ito at sumakay sila Ed at Gemma dun. Napahinto sya at sabi kay Ed na pwede naman silang magcommute marami naman ng tricycle papunta sa bahay nila Gemma. " Hay naku Vanessa bakit pa tayo magbabayad na meron namang libre?" ang sabat ni Gemma sa kanya. Kaya di na lang sya tumutol pa. Sumakay sya at pagpasok nya sa tabi na lang ni Adonis Ang bakanteng upuan at Nakita nya din sa loob ng sasakyan ang mga Kapatid ni Adonis na sina Abner at Arnel.
Buong byahe walang umiimik sa kanilang lahat maliban sa instructions ni Gemma sa direction ng kanilang bahay.
Pagdating nila ng bahay ay kinausap pa ni Adonis si Ed at Gemma pero di na sya nakinig sa kanila dahil sa sobra kabang nadarama. Pumasok sya s loob ng bahay at humingi ng tubig sa tiyuhin. Dahil tanghali na ay niyaya ni Gemma sila Adonis na doon na maglunch na pinaunlakan naman ng mgkakapatid. Tumabi sa kanyang upuan si Adonis sa hapag kainan. At kagaya ng nakasanayan nito noong sa kanila pa ito nakatira na nilalagyan nito palagi ng pagkain ang plato nya. Nagulat sya sa ipinakita nitong pagasikaso sa kanya ngayon. Narinig nya pang sabi nito na sobrang payat mo pa rin Sang. You need to eat more para magkalaman ka naman. Hindi masarap yakapin ang puro buto, sabay ngiti sa kanya. Wala pa rin syang mahagilap na sasabihin.
Habang kumakain sila, nagtanong si Adonis sa kanya kung kumusta na sya. "okay lang naman ako" tugon nya. My condolences, di ko alam byuda ka na pala, dagdag naman ni Adonis. "salamat" tugon din nya. dalawang taon na pala, may balak ka pa bang mag-asawa uli? tanong uli ni Adonis. Wala ka na dun, pabalang na sagot nya sa lalaki. Biglang natahimik ang lahat pati si Adonis ay natameme. "insan, saan mo nilagay ang baggage ko? excused me, I'm done" sabay tayo. Tumuloy sya sa labas ng bahay at umupo sa ilalim ng punong mangga. Di nya napigilang lumuha ng maalala ang nawalang kabiyak. Ang taong walang ginawa kundi mahalin sya at sundin ang lahat ng hiling nya. Ang lalaking nagbigay halaga sa kanya bilang sya. Ang lalaking walang ginawa kundi ang paligayahin sya. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng limang mababait na mga anak. Ang lalaking isinakripisyo ang lahat para sa kanilang pamilya. Ang lalaking naging karamay nya sa lahat ng lungkot at saya. Ang lalaking sumalo sa lahat ng kanyang suliranin. Di nya mapigilang mapahikbi sa lungkot Ng pagkawala ng asawa. Kung nandito lang sana ang asawa ay di sya malulubog sa utang na syang dahilan ng pagtatago nya dito sa Isla. Sana nandito ka lang sa tabi ko Carl. Sana masaya pa rin tayo kahit kulang tayo sa pera. Sana nandito ka pa rin para pagaanin ang loob ko sa mga jokes mo. Sana di ako nalulungkot ng ganito. Sana bumalik ka na lang please, sambit nya.
Sana nandito ka pa rin para matupad natin ang pangarap nating orchard farm. She wipes her tears and about to leave nang marinig nyang may nagsalita mula sa likuran nya. I'm sorry if did say wrong. It wasn't my intention to make you sad, sabi nito.
Kilala nya kung sino ang nagsasalita kaya mas lalo syang nalungkot dahil ang lalaking ito na nasa puso nya pa rin ay di nya naman pwedeng yakapin at sabihing mahal nya pa rin ito hanggang ngayon. Kailangan nyang tikisin ang nararamdaman upang maiwasan ang anumang magiging kahihinatnan kung magiging marupok na naman sya. Kaya umiwas na naman sya dito at tuluyan nang umalis.