Chapter 21 LOREBEL 'LORRIE' "Totoo ba ang sinabi ni Hector na asawa ka n'ya?" Narinig kong tanong ni Eris sa akin nang maihatid ko siya sa kuwarto ko kung saan ay siya na ngayon ang gagamit pansamantala. Okay naman sa akin kung tumagal siya rito kasi ibig sabihin lang no'n ay matagal din kaming matutulog sa iisang kuwarto ng asawa ko. Pabor na pabor iyon sa akin lalo na sa rosas de amor ko. Nasa labas na ng pinto ang mga gamit ko. Halos isang malaking paper bag lang naman ang pagkakasyahan ng mga iyon kaya hindi abala sa akin na hakutin iyon para ilipat sa master's bedroom—'yon 'yong kuwarto ni Hector. Inaalis ko na lang ngayon ang kumot at kobre kama para palitan iyon ng bago. "Ah oo, totoo 'yon, Eris." May ngiti kong sagot sa kanya. Excited akong magkuwento. "Ikinasal kami wala pa

