Chapter 35 LOREBEL 'LORRIE' Lumundag ang puso ko sa kaba nang makarinig ako ng yabag. Dumating na si Hector na siyang pinakaaantay ko. Hindi ako gumalaw mula sa pagkakaupo ko sa couch dito sa living room ng penthouse. Nakabukas ang telebisyon ngunit sinadya kong patayin ang volume niyon. Hindi ko matandaan kung gaano na ako katagal sa ganitong posisyon basta't ang alam ko lang ay hinihintay ko ang pag-uwi ni Hector mula sa opisina niya. Bumilis lalo ang t***k ng aking puso nang maramdaman ko siyang papalapit sa akin. Sinikil ko ang ano mang reaksiyon ko nang kintalan niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Muntik na akong mapapikit sa ginawa niya. Kahit hindi pa kami nagkakaroon ng kalmanteng usapan ay hindi naman siya pumalya na halikan ako bago siya umalis at ganoon din sa kanyang pag-uwi

