Chapter 17 LOREBEL 'LORRIE' Simula no'ng nagkasakit ang Lola Agapita na nauwi sa kanyang pagpanaw ay ngayon ko na lamang naranasan ang ngumiti sa paggising ko sa umaga. Paano ba naman kasi ako hindi mapapangiti kung sa paggising ko'y makulit na alaala ng kagabi ang unang rumehistro sa isip ko? 'Yong simple at masayang selebrasyon ng kaarawan ni Sir Rhig kagabi sa rooftop kasama ako ay isa sa mga alaalang alam kong habambuhay na tatatak sa isip ko. Ang suwerte ko kasi sa lagay na nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama sa kasiyahan at kulitan iyong grupo nila. Na nagkaroon ako ng pagkakataon na masaksihan ang side na iyon ng kani-kanilang pagkatao bagaman at batid kong iba ang nakasanayan nilang ipakita sa publiko. Katulad na lamang halimbawa ni Hector. Hindi ko lubos akalain na ka

