Chapter 26 LOREBEL 'LORRIE' Masasabi ko na hindi nasayang ang tulong na ibinigay sa akin nina Ajax, Sir Rhig, Sir Trojan, Sir Tydeus at Sir Achilles dahil sa nakikita kong reaksiyon ngayon ng asawa ko. Sulit na sulit iyong ilang oras kong pagtitiis sa beauty salon kung saan ako dinala nina Ajax. Sulit iyong ibinayad nila para ma-improve ang panlabas kong anyo kaso ay wala akong ideya kung magkano ang binayaran nila. Nilihim nila at huwag ko na raw isipin iyon dahil maliit na bagay lang naman daw iyon. Bukod sa beauty salon ay dinala rin nila ako sa isang exclusive boutique at doon ay may mga ekspertong tumulong sa akin kung paano manamit na anila'y parang isang artista o fashionista. Marami silang biniling mga bagong damit para sa akin. Lahat magaganda at karamihan ay maiikli at pan

