Chapter: 1
Zaphira POV
"Gising na nak! Baka malate ka sa school mo!." Rinig kong sigaw ni mama mula sa baba, nag unat unat muna ako at pumunta na sa banyo, naligo na ako at nag bihis, bumaba na ako at nakita ko si mama na nag hahanda ng almusal.
" Good morning ma." Nakangiting bati ko Kay mama.
"Good morning din nak, Tara Kain na dito para makapasok kana." Umupo na ako at kumain.
Ako nga po pala si Zaphira Montefalco 16 yrs old third year high school at nag iisang pinaka magandang anak ng mama ko hehehe, Kasi alangan namang mama mo diba?.
" Ma tapos na po akong kumain, aalis na po ako." Pag papaalam ko kay mama.
" Sige mag iingat ka ha wag papagabi ng uwi." Nakangiting bilin ni mama at hinalikan ako sa pisngi.
Nag simula na akong maglakad papuntang Z University, Hindi ko Alam kong ano ang ibig sabihin nong Z na yun? Bakit ba gusto nila sa Z lang yung pangala nung University? Baka tinamad na sigurong mag isip ng pangalan yung may ari kaya Z nalang nilagay niya haha.
Ng Malapit na ako sa gate ay may humarang sakin, ano bayan Kay aga aga eh. Inis akong tumingin sakanila." Ano nanaman??." Inis na tanong ko sakanila
Lagi nalang kasi nila akong binubully, Wala namna akong ginagawang masama sakanila? Dumadaan lang naman ang maganda kong mukha? Pero bakit lagi nalang nila akong hinaharangan? Minsan naiisip ko nalang, siguro naiinggit na sila sa ganda ko.
"Hoy pangit bakit pumapasok kapa? Hindi ba nila nasabi sayo na hindi pwede ang pangit dito?." Mataray na sabi ni Cendy.
' tanga pala to eh! Bawal pangit dito eh bakit nandito pa to.'
"Hey I'm talking to you!." Medyo pasigaw na Sabi niya. Napangiti nalang ako sakanya.
" Ha? Hatdog?." Natatawang sabi ko.
" What the!? Pinag luluko mo ba ako ha?!". Sigaw niya sa mukha ko.
'tae ang baho ng hininga niya'
" Sorry malelate na ako." Aalis na sana ako pero kaagad niya akong sinabunutan.
" May Sinabi ba akong umalis kana!? Wala akong pake kong malate ka?!" Sigaw niya. Taina ang sakit ng sabunut niya.
"Ano ba bitawan mo ko!!." Makaawa ko dito, naiiyak na ako masakit talaga.
"Masakit huh? Mas malala pa ang aabutin mo kong hindi kapa aalis dito sa school na to!!." Naiinis na Sabi niya. Binitawan niya ang buhok ko at kinuha niya sa loob ng bag niya ang isang tumbler na may malamig na tubig at binuhos sakin.
'ohhhhh ang lamig niyan'
'kawawa ka naman girl'
'yan kasi piling maganda'
'umalis kana dito hindi ka nababagay dito!'
' Yan nababagay sayo panget'
Sigaw ng mga students na nasa paligid pinagtatawanan ako,nilalait,tingin sakin basura, tsk natawa nalang ako sa isip ko.
'inggit lang kayo sa ganda ko hindi niyo lang nakikita tsk'
Iniwan na nila ako na basang basa,
Nag ring na ang bell hudyat ito na mag sisimula na ang klase, napamura nalang ako at tumayo, nag madali na akong mag lakad papuntang CR, buti nalang may dala akong extra T-SHIRT at jogging pants
Sa school na to ay wala ng uniform uniform, kahit na may uniform na binigay ang school na to hindi naman sinusuot ng mga students eh,mas gusto nila hindi sila naka uniform.
Pag ka tapos kong mag palit ay kaagad na akong tumakbo papuntang room ko. Ay Oo nga pala kaya sinasabi nilang pangit ako kasi lagi akong naka mask, nasanay kasi akong naka mask kaya kahit saan ako pumunta naka mask ako, Sabi naman nila kaya daw ako naka mask kasi baka pangit yung mukha ko. Pero hindi nila alam mas maganda ako sa inaakala nila haha.
Ng nasa harap na ako ng class room namin at kaagad na akong pumasok," Ms.Montefalco bat late ka?!." Isa rin tong teacher na to lagi na lang akong sinisita.
Ngumiti na lang ako sakanya at tumayo sa likod, ganto talaga lagi, lagi akong late dahil sa panghaharang nila sakin ni Cendy, kaya medyo nasanay na rin akong laging nakatayo.
.
.
.
.
" Ok class dismiss!."umalis na si ma'am at kasabay non ay nagsilabasan na rin ang mga panget hehhe joke. Nag ayus lang ako saglit ng sarili ko,kinuha ko yung bagpack ko at nag palit ng mask.
Lumabas na ako at pumunta sa Music room. Lagi akong nandito tuwing walang klase, Wala na kasing gumagamit ng room na to, pagdating ko dito ay kaagad ko ng nilabas si Mellow, si Mellow ay Isa siyang itim na pusa at isa pinaka mahalaga sakin. Regalo siya sakin ng mama ko nong five years old ako.
Buti nalang gusto niya sa loob ng bag ko, yun nga lang kinakagat kagat niya yung mga gamit ko sa loob ng bag kaya nasisira yung ibang gamit.
Umupo na ako at nilabas ang pag kain ko." Oh Mellow kain kana sayo nalang to ok lang na ikaw ng kumain niyan busog pa naman ako eh." Ngumiti ako sakanya at nilapag na ang pagkain. Masaya na ako makita ko lang si Mellow.
Tumambay lang ako duon hanggang sa mag uwian, lagi ko yun ginagawa papasok sa umaga sa hapon hindi na, kasi nakakatulog lang ako kaya napapagalitan lang ako.
Pinag panagpagan ko muna yung jogging pants ko at nilagay ko na si Mellow sa bag ko. Buti nga hindi siya nag iingay sa loob ng bag, good boy kasi to eh katulad ko.
Habang nag lalakad ako ay may narinig akong mga boses sa may bakanteng lote malapit sa may school, sumilip ako ng konte at may nakita akong siyam na lalake, kilala ko yung apat na lalake ah.
Sila yung Z brothers anak sila nong may ari ng Z University,
Nanlaki ang mata ko ng nag labas ng kutsilyo yung limang lalake na kaaway nila, baka mapatay sila, pero hindi ako kasali sa away nila, tinignan ko ulit sila at nakita kong nakahiga na sa lupa Ang Z brothers at mukhang hinang hina na, lalapit na sana yung maitim at matangkad na lalaki sa kanila pero bago pa siya makalapit sakanila ay kaagad na akong lumapit.
' bahala na kong mamatay pa ako dito basta makatulong ako'
***********************