Lira: BUONG LAKAS AKONG tumayo at sinugod itong pinagsusuntok sa mukha! Hindi nito napaghandaan ang paglusob ko kaya nahilo itong napasandal ng pader dahil sa ilong at panga ko lang naman ito pinupuruhang sinusuntok! Nanghihina ito at dumudugo na ang mukha. Ramdam kong mahapdi na rin ang kamao kong bumasag sa pagmumukha nito! Hinihingal akong pabalang itong tinabig kaya napahandusay sa puro alikabok na sahig. "Where am I?! Why did you bring me here huh!? Kidnapping ang ginagawa mo!!" sunod-sunod kong bulyaw dito na naghahabol hininga. Pilit itong bumangon at tumutulo pa ang dugo sa kanyang ilong at bibig pero wala akong maramdamang konsensya sa pambubugbog ko sa kanya. Marapat lang 'yan sa kanya. Ang lakas ng loob tangayin ako. Nakakapagtaka lang. Natulog akong kasama si Adrian pero...

