Ana Marie POV
do I need to try all this?
of course Besh! syempre Ikaw nga Ang model di ba? - Macky
after Kong ma-try lahat ng color ng lipstick at mapicturan ni Wena ay pinost agad ito ni Macky sa IG nya. Si Wena ay isang free lance photographer at talaga naman na magaling ito kaya't di nakakapag taka na maganda lahat ng shots nya sa akin despite the fact na lips lang talaga Ang kukuhanan nya. at naedit na din nya lahat using his laptop.
Habang kumakain ako ng dessert ay may hinala akong parang may nakatingin sa akin, Kaya Naman pag baling ko sa right side ay nakita ko Ang isang pares ng mata na feeling ko ay kanina pa nakatingin. Sa sobrang pagkapahiya ko dahil narealized ko na nakasubo pa pala Ang kutsara sa bibig ko dahil kanina pa ako sarap na sarap sa halayang ube galing Baguio na dala ni Marian. This is really my all time favorite. Sa pagkabigla ay binitiwan ko Ang kutsara at napangiti ako ng bahagya sa kanya at ibinaling na lang sa 3 Kong kaibigan Ang pagkailang ko.
Maya maya ay tumawag sa akin si Gladys so I decided na medyo lumayo sa tatlo Kong kasama habang nakikipag usap sa phone. Medyo napatagal Ang usapan namin dahil may mga importante akong pinapagawa sa kanya. Napatingin ako sa table namin at nakita Kong kausap ng mga kaibigan ko Ang 2 lalaki kasama Yung nakabanggaan ko kanina sa parking lot. Nagtataka Naman ako dahil napapatingin sila sa gawi ko pero may mga pagkakataon naman na nagtatawanan sila.
Nang pabalik na ako sa table ay lumipat na sa kabilang table Ang magkakaibigan na lalaki. Medyo nadismaya lang ako dahil Hindi man Lang ako pinakilala ng mga kaibigan ko sa kanila. Habang nagkukwentuhan kami ay biglang may nagtext sa akin...
unknown number: Hi
dinedma ko Lang ito at binitiwan Ang phone ko. tinanong ako ni Macky Kung sino nagtext sabi ko wrong sent.
Malay mo Naman Hindi Yan wrong sent - Macky
ano Kaya kung patulan ko to? replyan ko Kaya? hahaha!
Me: hello
anong reply mo friend? - Marian
sabi ko hello! haha! Hindi Naman nya ko kilala eh! hayaan mo na para may mapaglibangan ako...pupusta ako next reply nito can you be my textmate! sabay hagalpak ko ng tawa.
maya maya pa ay may nagtext ulit
unknown number: can you be my girl?
oh ano daw sabi? - Wena
pinabasa ko sa kanila at nagtinginan silang tatlo na parang may ibig sabihin pero binalewala ko Naman. at nagreply ulit ako.
Me: sure...I'm your girl from now on.
unknown number: you said so, Wala ng bawian. see you soon sweetie!
me: see me in your dreams, sweetie!
at Hindi na sya nagreply. Pero dahil may kakulitan Ang mga kaibigan ko Kaya tiningnan nila Ang palitan namin ng text.
hoy bruhita ka, di ka man Lang nagpakipot bigay agad , Si Macky
anong pakipot ka dyan, di Naman ako kilala nyan no! hayaan mo sya at least sa Text nagkajowa sya. hahaha!
eh pano Kung kilala ka pala nya? - Marian
at pano Kung sya na pala talaga Ang hinihintay mo? di man Lang nahirapan, di ka man Lang magpaligaw te? - Wena
ay wait ha! sige text ko sya sabihin ko ligawan nya muna ko...
at yun nga Ang ginawa ko. tinext ko Ang unknown number habang natatawa...
oh Ayan na! tinext ko na...happy?
naghahagalpakan ng tawa Ang tatlo na para bang may ibig sabihin pero Hindi ko na binigyan ng pansin. maya maya ay may text ulit
unknown number: Hindi ako marunong manligaw sweetie pero para sayo gagawin ko. and I will make you fall in love with me everyday. that's a promise!
Kung bakit bumilis Ang t***k ng puso ko ay di ko alam. Parang may mali, kilala nya ba ako?
ay grabe! di ko inexpect yun! Ang bilis din eh! akalain mo yun? si Macky na nakatingin sa akin.
what? sabi ko
Wala! iba talaga Ang kamandag mo friend! akalain mo, di ko alam Kung love at first sight ba yun or baka Naman lust at first sight...chaaar! dugtong pa nya
ano na naman pinagsasabi mo dyan?
oh well my friend, Basta solve na Ang problema mo sa paghahanap ng jowa ha. - Macky
hoy anong solve? kasunduan natin yun ha. Yung date Kong pretend bf dapat pogi ha...sabi ko sa kanya
Problem solve ka na nga oh! tingnan mo may BF ka na sa text message...hintayin mo na lang na lumabas sya sa cellphone. sabay hagalpak ng tawa ng tatlo.
Nagpasya na kaming lumabas ng resto after namin dun na halos 2 hours. We decided to go somewhere. Niyaya ko sila sa organic farm sa Tagaytay para mabilhan ko ng pasalubong si mudrakels. Habang papalabas ay nakita Kong nakatayo sa may labas ng pinto Ang mga lalaking kausap ng mga kaibigan ko kanina. Naagaw ng pansin ko Ang nakabangga ko kanina sa parking lot at sya Ang nagbukas ng pinto para makalabas ako. Napakagat labi ako at binasa Ang lips ko dahil parang nagdadry ito. Nakatingin lang sya sa akin at biglang nagsabi...
Hello Ms Chinita! you take care!
Napangiti lang ako at nagthank you sa kanya, pero bago ako tuluyang nakalayo ay may pahabol pa sya...
mag - ingat ka, mamahalin pa Kita!
Hindi malakas Ang pagkakabigkas nya pero Hindi ito nakaligtas sa pandinig ko. nagkunwari na lang ako na Hindi ko narinig at tumuloy tuloy sa parking lot.