Two weeks matapos ang nangyaring paglalasing ni Gabriel ay naging maayos naman sya, Hindi na nga lang naitanong ni Ana Kung anong dahilan ng paglalasing nya. Marahil ay inakala ng dalaga na naparami lang Ang Inom nito kasama Ang mga kaibigan. Pinilit maging normal ng binata sa harap ng kanyang kasintahan kahit Ang kanyang isip ay naguguluhan Kung anong dapat nyang gawin sa napasok nyang sitwasyon. Samantala, sa loob ng dalawang linggo ay dumalang Ang pagkikita ng magkasintahan dahil sa bahay ng Ina ni Ana sya umuuwi. Wala kasing kasama sa bahay Ang Ina dahil nagbakasyon ng isang buwan Ang katulong nito sa probinsya. Naiintindihan naman ito ng binata kaya't nagkikita sila ng dalaga sa tuwing lunch break nila. Sabay silang kumakain ng tanghalian pagkatapos ay didirecho ulit sa kaniya-kanya

