Third Person's POV:
Isang gabing tahimik habang mahimbing na natutulog ang isang dalaga ay dinalaw ito ng isang magandang panaginip...
Mga batang nagtatakbuhan sa isang malawak na kaparangan, may mga batang naglalaro ng patintero, mga batang naglalaro ng tumbang -preso at Ang mga tsinelas ay nasa siko nakalagay imbes sa paa. Isang batang babae ang lumapit sa isang binatilyo, tiningnan sya nito at nilapitan....
"hi baby girl"
ngumiti Ang batang babae habang nakayakap sa isang teddy bear
"ano Yung ginagawa mo kuya"?
"saranggola Ang tawag dito baby girl, gusto mo samahan mo ko magpalipad nito"?
"sure, Wala kasing ganyan sa amin eh"
tuwang tuwa Ang batang babae habang tinitingnan Ang makulay na saranggola na matayog Ang lipad. Pagkaraan ng ilang Oras ay sinundo na ng isang batang babae si baby girl at nagpaalam ito sa binatilyo at sabay umalis. Bago nakalayo Ang dalawang batang babae ay sumigaw Ang binatilyo. ..
"baby girl, punta ka ulit bukas ha, hintayin Kita dito"
"okay kuya, see you tomorrow"
Nagising Ang dalaga kinabukasan na magaan Ang pakiramdam, naalala nya Ang panaginip kagabi. Madalas sya nanaginip ng ganito, minsan nga ay may batang lalaki na naglalaro sa batis kasama Ang isang batang babae. Malinaw Ang kanyang panaginip na tila ba ito ay totoong nangyari, ngunit pag gising nya ay Hindi nya maalala Kung anong hitsura ng mga batang iyon. Gusto nyang malaman Kung ano Ang kaugnayan ng mga panaginip nyang iyon sa kanyang pagkatao. Hindi man nya aminin sa sarili pero matagal na nyang gustong malaman ang nakaraan nya na matagal ng nakatago dahil sa Hindi inaasahang pangyayari. Minsan nga ay sumasakit ang ulo nya kapag masyado nyang iniisip Ang mga ganitong bagay. Gusto nyang maibalik Ang mga bagay na nakalimutan nya. Mga bagay na nangyari mula ng magkaisip sya. Sa harap Kasi ng ibang tao ay normal syang dalaga, pero sa kaibuturan ng puso nya ay may bakanteng espasyo na tanging Ang mga nawalang alaala nya lamang Ang makakapuno