Ordinary Day

661 Words
Ana Marie is driving her car and heading to her office on a sunny Monday morning. Sya lang naman ay Isa sa owner ng manpower agency na itinayo nila ng kanyang kaibigan na ngayon Naman ay nakabase na sa Dubai dahil ito Ang nakatoka na maghandle ng kanilang tie-up na agency doon. Sya naman dahil ayaw nyang umalis ng bansa at dahil mag isang anak ng kanyang byudang Ina ay pinili na lang na maghandle ng branch nila dito sa Manila. madame Ana! good morning! eto na po Ang inyong coffee, sabay bigay ni Gladys, Ang secretary nya na sya lang nakakaalam ng tamang timpla ng kanyang kape. what's my schedule for today Gladz? si Ana na tuloy tuloy ang pag upo sa kanyang swivel chair habang humihigop ng kape. Well madame, brace yourself dahil madami dami Ang meetings mo for the whole week, and also sasabihin ko na din po sa iyo na nalalapit na ang high school reunion mo in two weeks time Kaya need mo na maghanap ng jowa para hindi ka magdonate ng 50k sa inyong charity ek-ek. Ang tuloy tuloy na sabi ni Gladys sa amo nya. Sa lahat ng employee nya ay ito Ang kanyang pinagkakatiwalaan, bukod sa parang kapatid na turing nya dito, ay talaga naman na Hindi matatawaran Ang galing nito sa trabaho at dahil doon ay pati Ang kanyang personal na lakad ay alam nito at maging Ang kanyang mga hinaing sa buhay. shit! oo nga pala nalimutan ko na yan, napamura si Ana habang hilot Ang kanyang sintido sa isipin na kailangan nyang magkaroon ng boyfriend o kaya'y kahit magpapanggap lang na BF nya sa isang Gabi para may maipakita sya sa kanilang nalalapit na high school batch reunion. Ayon Kasi sa mga napagkasunduan ng committee ay Kung sino man sa kanila Ang still single ay magdodonate ng 50 thousand pesos na mapupunta Naman sa school foundation. Kung tutuusin ay kayang Kaya Naman nyang ibigay Ang pera na yun at Hindi sya manghihinayang, ngunit Ang ayaw nya ay magiging tampulan sya ng tukso kanyang batchmates kapag nalaman nilang NBSB pa din sya. At Isa pang pinaka ayaw nya ay Ang malaman ito ng kanyang high school crush na si Dave. Ang balita nya ngayon ay lalo itong naging gwapo at successful na din sa negosyong pinamana ng magulang. Natatandaan pa ni Ana during their high school days na nalaman ni Dave na crush nya ito at hiyang hiya sya noon dahil Hindi Naman sya nakakakuha ng attention because she is just a simple student though Isa sya sa matatalino sa klase pero Hindi sya ganoon kaganda Kung ihahanay sa mga kaklaseng babae na laging nanonominate na muse. Hindi Naman sila nagpapansinan ni Dave noon dahil magkaiba sila ng section at dinadaan na lang nya sa pagsusungit Ang lahat kapag sila Ang tampulan ng tukso ng mga barkada at lagi Naman silang pinagtatagpo dahil sa mga common friends nila sa campus. At narinig nya noon sa isang barkada ni Dave na sinabi umano ng binata na tatanda syang dalaga dahil masungit sya. At ito ngayon Ang ayaw nya, Ang malaman nito na hanggang ngayon ay NBSB pa din sya. Well, choice Naman talaga nya Hindi muna magboyfriend dahil ayaw nya sa mga nagpapalipad hangin sa kanya. Bukod sa Hindi nya type Ang mga ito sa kabila ng mga gwapo Naman at mga negosyante din, ayaw nya Kasi sa mga babaero. At lahat yata halos ng mga suitor nya ay ito Ang common denominator. Hindi na nga pala sya ang dating Ana Marie Gonzales na simple at medyo chubby. She is now a gorgeous and stunning woman, sa taas na 5'5, mayroon syang vital stat na 36,24,34. at isa sa mga napapansin ng mga kaibigan nya ay Ang kanyang kutis dahil sa nabahiran pa sya ng lahi ng kanyang Lola na Chinese mestiza. At dahil sa magandang katawan ay Hindi maipagkakaila na kahit anong suotin niyang damit ay talaga naman bumabagay sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD