Kirt's POV
Sumabog ng maraming foam bubbles ang canon. Pinuno ang dance floor at ang swimming pool. They're all soaking wet now but here I am standing in front of Heero.
"Special friend? Are you my bestfriend? Saan tayo nagkakilala? You said you're from Cebu and it's impossible for us to meet?" seryosong tanong ko.
Nag-iwas lang siya ng tingin sa'kin kaya hinabol ko ang tingin niya.
"Tell me more about what you know about me..." seryosong sabi ko.
Umiling si Heero at saka tumingin sakin, "I can't. I can't tell you yet..." sagot niya.
Kumunot ang noo ko, "Why? Why can't you tell me?" tanong ko sa kaniya.
"Because you might breakdown. Let yourself remember us..." sagot niya.
Mas kumunot ang noo ko, "Myself? How can I help myself if I can't even remember you?" frustrated na tanong ko sa kaniya.
"You need to go to some places that you think you can remember and I'm sorry 'cause I don't have the right to tell you everything. I'm not the one who can help you gain your memories back..." seryosong sagot niya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Then who's the right person to asked? Is it my parents? Ugh! Ni ayaw na nga nilang pag-usapan ang dating ako, eh.
"Heero? Sydney?"
Sabay naming nilingon ni Heero si Arianna na ngayon ay may pagtataka sa itsyura niya.
"Aalis nako, Yana. Thanks for accompanying me tonight." sabi ko sa kaniya sabay beso.
Hindi niya ako sinagot. Dirediretsyo lang ang lakad ko palabas. I think having fun tonight isn't successful.
Kinabukasan ay puno nga ang schedule ko gaya ng sabi ni Arianna. Maraming talk shows at mga interview ang nag-imbita sa amin ni Akiro. But we need to turn others down kasi kailangan naming maghanda.
"Ayos na ang passport ninyo, Akiro. So I might say you need to start packing your stuff." sabi ni Manager Lim kay Akiro habag nasa van ulit kami, ihahatid nila ako ngayon sa condo ko.
"Manager, can I go home tomorrow? Bibisitahin ko lang magulang ko." paalam ko kay Manager Roa.
Nag-isip siya, "Hmmm. Di pa pwede, Sydney. You still need to visit Maggie for FHM." sagot niya.
Ngumuso ako, "Now that you mentioned it, I need to go back at the gym. Marami na ata akong fats, eh." sabi ko at humalakhak.
Napangiti si Manager Lim, "Sumama kana kay Akiro, Sydney. Pinapa-work out ko na'yan lagi dahil baka tumaba na, taasan pa siya ng ranko ni Clement." sabi niya.
Clement Guevara and Alexandrea Torres are one of the popular love team right now. But, medyo lamang lang kami sa kanila. They're lacking of chemistry, geez.
I tried not to laugh dahil nandyan lang naman si Akiro. But when our manager burst out laughing hindi ko na kinaya. Nagtama ang mga mata namin ni Akiro kaya kinagat ko ang labi ko.
"Kaya magsama na kayo..." sabi ni Manager Roa.
Ngumuso ako, "No thanks, doon nalang ako sa dati." sagot ko.
Ayan nanaman sila. They're pushing me again kay Akiro. Hindi ba nila alam na matagal na silang nagtagumpay? Even if wala na'kong past memories kay Akiro, still I like him.
Akiro and I build a new memories when we both started to work at the same company. Our friendship was strong, nagiba lang nung inamin kong gusto ko siya.
Hay nako! Tama na ngang pag-thro-throwback. As much as possible, I don't want to remember the time I confessed my feelings to him.
Kinabukasan din, pumunta ako kay Maggie. Ininterview nila ako and then they schedule me a photoshoot with Akiro pagkauwi namin galing Australia.
Tinanong lang nila ako kung anong advice ang masasabi ko to have a healthy lifestyle tapos how to stay sexy, ganoon. Gusto ko ngang sagutin na, si Manang Cecil nalang ang tanungin niyo. Not me.
But, of course. I didn't. Nagsinungaling nalang ako. I don't have a healthy lifestyle naman kasi. I don't know why they asked me to do it.
Maagang natapos ang interview kaya naman napagdesisyunan kong tumakas sa mga tawag ni Manager Roa at pumislit pauwi.
Hindi naman talaga malayo ang uuwian ko pero napakaramot nila. Sobra pa sa mama ko si Manager Roa, eh.
Nagtatawagan naman kami nila Mama kapag hindi sila busy ni Papa sa restaurant. Mayroon kaming restaurant. Super patok dahil alam nilang pagmamay-ari ng pamilya ko.
Marami na kaming ibang branches kaya busy'ng busy si Mama. Yun talaga ang gusto nila ni Papa, eversince.
We have a restaurant pero nagpapabili pa sila sakin ng pizza at carbonara sa pag-uwi ko. To buy what they want I need to disguise myself.
Pagkatapos kung bumili at medyo tinititigan ako ng bongga ng babae sa counter kaya nagmadali na ako.
Hinahapo akong pumasok sa sasakyan ko. Pagkapasok ko, nakita ko naman kaagad sa gilid ang isang stall ng mga magazines. Yun 'yung may picture nung hot na lalake na hindi ko pa kilala.
As much as I wanted to get one may tumatakbo ng mga kababaehan papunta sa direksyon kung saan ako naka-park. Damn it.
Pinaandar ko na ang sasakyan ko at umalis. As I drive to my hometown, sinadya 'kong daanan ang dating school ko. I would like to take a visit pero hindi pa pwede kasi maraming estudyante doon ngayon. Maybe on weekends, tutal next week pa naman ang alis namin papuntang Australia.
I texted Mama na uuwi ako just now and they said na uuwi sila para sakin. Nang makapasok ako sa gate ng village ay natanaw ko kaagad ang magagandang mansyon na nakatayo sa village na'to. Some of them are celebrities too and the rest are some businessman and rich people.
Lumiko ako sa daan papunta sa amin. Tanaw ko na kaagad ang itim naming gate na. Oh, how I miss home. Binuksan ito ng mga guards kaya nakapasok ako. Nakita ko na kaagad ang sasakyan ni Papa na kasunod ko lang pumasok.
Tinanaw ko ang isang malaking modern house na pinili ko para sa bahay namin. Agree naman sila Mama kaya ito ang pina-design kong bahay namin. Hindi ko na'to masyado pinalakihan dahil tatlo lang naman kami sa bahay na'to at dalawa nalang sila dahil may trabaho ako.
Lumabas ako sa sasakyan. Sinalubong ako nila Mama at Papa na kakalabas lang ng sasakyan nila. Niyakap ako ni Papa at bahagyang inangat pa. Tumawa ako dahil sa kasweetan ni Papa.
"Pumayat kana talaga, anak!" puna ni Papa sabay kurot ng pisnge ko.
Ngumuso ako, "Syempre at kasali 'yan sa FHM magazine, Danillo!" halakhak ni Mama.
Pumasok kaming tatlo na magkaakbay sa bahay namin. Alam kong kulang ang alaala ko sa mga magulang ko. Mayroon siguro akong nagawang mali sa kanila na nakalimutan ko na, pero ang hindi magbabago ay ang pagmamahal ko sa kanila.
The most beautiful thing in this world is to see your parents smiling, and knowing that you're the reason behind their smiles.
"Ang sarap talaga ng carbonara nila! Honey, kasi gayahin mo na'yung lasa," sabi ni Papa.
Tumawa ako, "Ayoko ngang manggaya. Kung gusto mo gumawa ka ng sarili mong recipe," sagot ni Mama, as usual tinatarayan naman si Papa.
Ngumuso si Papa at pinatuloy ang pagkain. Kumain nalang din ako, pinag-agawan pa namin ang hawaiian pizza.
"Anak, kamusta naman ang kalagayan mo? Tumawag si Cecil dito at nasa kanila siya ngayon," sabi ni Mama.
Tumango ako, "Oo, Ma. Na-ospital 'yung anak niya. Pinahiram ko nga ng pera, eh..." sagot ko.
Tumango siya, "Umuwi kana dito para may makain kang lutong bahay," sabi ni Papa.
"Sige, kapag hindi ako masyado gagabihin sa trabaho. Kakapagod kasi bumyahe dahil sa traffic, eh." sagot ko sabay inom ng orange juice na tinimpla ng maid.
Marami pa kaming napag-usapan nila mama at papa. Napag-usapan namin ang pagpunta namin ni Akiro sa Australia. Gusto din nga nilang mag-out of the country. Pinapangarap pumuntang New York.
"Pwede naman 'yun, Ma basta magkasama tayong tatlo..." sabi ko.
Ngumuso si Mama, "Kailan ka naman kaya ready, eh lagi kang busy?" tanong ni Mama.
"Magagawan naman yan ng paraan, tsyaka matanong ko lang, Ma. Hindi ba tayo umalis sa bahay natin noon dito din sa Paranaque? I met someone, sabi niya magkakilala kami but ang alam ko sa Cebu sila nag-aaral, so how's that, right?" tanong ko kayla mama.
Natahimik sila sa sinabi ko. Nagkatinginan pa sila pero agad silang ngumiti, "Baka naman nagbakasyon dito at nagkakilala kayo. S-sinabi niya bang magkaklase kayo?" tanong ni Papa.
Napaawang ang bibig ko. Hindi nga pala ako sinagot ni Heero tungkol diyan, "H-hindi naman pero sabi niya--"
"Imposible dahil hindi naman tayo umalis dito. Graduate ka ng college sa Thaguro University kaya baka isa lang 'yang exchange students sa school niyo noon..." sagot ni Mama na hindi makatingin sa akin.
"And I am having an occassional headache this past few days. Sa tingin ko may naalala na ako tungkol sa nakaraan ko, I just need your help..." sabi ko.
Tumingin si Mama sakin na may halong inis, "Ano pa ba ang mapapala mo kung babalikan mo pa ang nakaraan mo, Kirt? Wala na. Hindi mo na kailangan alalahanin ang nakaraan mo." mariin na sabi ni Mama.
Nagulat ako sa tabang ng boses ni Mama. Tumingin ako kay Papa na nakatungo lang at hinihimas ang likod ni Mama na parang inaway ko si Mama.
Napalunok ako, "Pero, Ma. I think it's better for me to know my passed kahit ano pa 'yun. I think I deserve to know." depensa ko.
Tumingin si Papa sakin, "Mas ikabubuti mong wag nalang alamin, anak." sinserong sabi ni Papa.
Napapikit ako ng mariin. Bakit ganito sila ka galit malamang gusto kong maalaala ang nakaraan ko? Hindi ko tuloy mapigilang isipin na may itinatago sila sa nakaraan ko. That I should really seek for answers. That I should really remember my lost memories...
The more they stop me, the more it triggers me to find out what is in the past.
Third Person's POV
"I can see Joshua learned how to golf now, dad." sabi ni Dewlon kay Mr. Montesor.
Tumawa si Mr. Montesor, "He needs to learn it. Wala akong kasama mag-golf. Danillo is only my partner in crime in this sport..." sagot niya sabay tanaw kay Joshua na nasa malayo with some men. Hahampasin niya ang maliit na puting bola.
Natigilan si Dewlon sa sinagot ng ama. If it wasn't for him, his dad would still be with his best buddy.
Itinuon nalang ni Dewlon ang atensyon sa paglalaro. Hinampas niya ng malakas ang puting bola at tinanaw kung saan ito napunta. Sumakay siya sa golf cart papunta sa destinasyon ng bola kasama ang ama.
"So you're going back to Australia on Monday?" tanong ni Mr. Montesor.
Tumango siya, "Yeah, I'll just pass my resignation letter personally. They didn't want to let me go," sagot niya.
Isinuot niya ang kaniyang aviator dahil sa silaw na naramdaman. Katamtaman ang init at hindi masakit sa balat ngunit nakakasilaw. Ganoon din ang ginawa ni Mr. Montesor.
"I told you, you're going to be a doctor. Your uncle Lazaro has a cross in his tongue you know..." biro ng ama at humalakhak.
Natawa narin si Dewlon, "Yeah, and this time I can go back to our company. I'm sorry for all the burden I gave to you and mom." sabi niya at tumungo.
Ngumiti si Mr. Montesor at tinapik ang balikat ng anak, "Five years na, anak. Let's move on and accept things," sagot nito.
Tumingin siya sa kaniyang ama, "Yeah, I can do that, dad. But still I have unfinished business to do..." seryosong sagot niya.
Tumigil ang golf cart kaya bumaba na sila. Natigilan si Mr. Montesor sa isinagot ng anak.
Bumaba si Dewlon at sinalubong ang kapatid. "Look, I had it in!" masiglang sabi ni Joshua sabay turo sa bolang napasok sa butas.
Tumango si Dewlon at binigyan ng approve sign ang kapatid. Sa loob ng limang taon, marami na siyang pinagdaanan. Marunong na siyang makihalubilo sa maraming tao and to make those people like him not only by his looks and cleverness but because of being grateful for their existence.
Naramdaman niya ang kaniyang ama sa likod niya, "And what unfinished business could that be?" tanong nito.
Hindi niya nilingon ang ama, "You know what I mean, dad. I have some unfinished things to fix." sagot niya.
"It's already fixed. There's nothing to fix. You just need to move forward..." seryosong sabi ni Mr. Montesor.
Kumunot ang noo ni Dewlon sabay lingon sa kaniyang ama. Seryoso ang mukha ni Mr. Montesor. Ngayon pa lamang siya naging ganito ka seryoso simula nung maghiwalay silang mag-anak.
His dad will always be there for him. Siya lang ang nanatiling naghintay, umagapay at laging suportado sa lahat ng ginagawa niya kaya nanibago siya dito.
"You know who I left there--"
Hindi na napatapos ni Dewlon ang sasabihin niya, "Forget that business, Jun. It's not your business anymore. That business you're saying is already fine and you should be too." mariin na sabi nito.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Dewlon ngunit umiling siya, "No, dad. I won't move forward without her..." seryosong sagot ni Dewlon at naglakad papunta sa kapatid.
Saktong tumunog ang cellphone niya bago siya tawagin ng kaniyang ama. Hindi niya na tinignan kung sino ang tumawag at agad sinagot 'yun.
"Yes, hello?" malamig na bati ni Dewlon sa kabilang linya.
"Hey, jerk. How are you?" tanong ng isang mahinhin na boses. Isa lang naman ang tumatawag sa kaniyang jerk.
Napangiti si Dewlon, "I'm cool," sagot niya dito.
"I know you're cool but a little bit of a nut head," sabi nito at tumawa.
Napangisi si Dewlon at umiling-iling, "Lucky you, I'm still indebted to you..." sagot niya.
"You know I don't care anymore about what happened, right? And you know how still in love I am with you..." seryosong sabi nito sa kaniya.
Natigilan si Dewlon sa sinabi nito. Hindi siya makapagsalita. It's been years and she's one of the people who helped him with his f****d up life.
"Juno wanted to talk to you, but he's still asleep..." dugtong nito, malungkot ang boses.
Napaawang ang bibig ni Dewlon, "I'm sorry, Grai. Sorry, I can't be at your side, with you and Juno..." bulong ni Dewlon.
"I tried to get over you, but I sucked of doing that. But, I understand Dewlon. Just visit us whenever you want. He misses you so much. I miss you..." malamyang sabi niya na parang dinadahan-dahan ang bawat salita.
Natigilan si Dewlon. Parang kinurot ang puso niya ng marinig ang mga 'yun galing kay Graisyl.
"Sure, I'll visit Juno. Don't worry..." yun lamang ang nasabi niya at saka nagpaalam.