"Courtney Eunice Salvador..." sabi niya gamit ang kaniyang malamig na boses pero bakas sa mukha niya ang tuwa. Hindi ko parin talaga gets kung para saan 'tong effort niya na ito. Grabe sa mall talaga. Believe na talaga ako kay Dewlon. Hinihintay ko ang sunod na sasabihin niya ng may tinuro siya sa likod ko pero nakatingin siya sa taas kaya naman tumingin din ako sa taas pagkalingon ko. "Till I met you...I never knew what love was..." "Till I met you...This feeling seems to grow more everyday..." "I love you more each day..." Nagulat ako nang may malaking tarpaulin na kakababa lang sa gitna ng dingding ng mall. 'Will You Marry Me? Soon?' Napasinghap ako at tinakpan pa ang bibig ko gamit ng dalawa kong kamay. Oh s**t! Wedding proposal pala ito!? OMYGOD!! Nilingon ko ulit si Dewlon s

