Kirt's POV "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss--" Hindi na pinatapos ni Kram ang pastor dahil mabilis niyang inangat ang belo ni Kyona at saka niya hinapit ang bewang nito at hinalikan ng mariin. "--the bride..." medyo natigilan pang dugtong ng pastor ngunit napailing nalang habang nakangisi. Natawa nalang kaming lahat sa kapilyuhan ni Kram. Hindi naman halatang excited siya ano? Para pa nga silang ewan ni Kyona kanina sa gitna, nagdadaldalan pa. But, they look cute! I know, Kyona is happy right now, both of them. Parang kailan lang, sa alaala ko na nasasaktan pa si Kyona kay Kram. Naalala ko pa kung paano siya itinanggi ni Kram sa mga tao na ex niya ito. Kung paano i-deny ni Kram na wala siyang pakialam kay Kyona when infact kitang-kita naman na mayroon talaga.

