"No, no, no! Papasukin niyo ako! Kaylangan kong makausap si Hunter kaya papasukin niyo ako!" Kanina pa ako naiirita sa boses ng babaeng iyon. Kanina pa siya sigaw nang sigaw sa labas ng bahay namin ni Hunter, hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaka-move on at hindi matanggap na ako ang mahal ni Hunter at ang pakakasalan niya. Kanina pa siya pinapaalis ni Manong Arnaldo, ang guwardya, ngunit nagmamatigas ito. Naririndi na ako sa matinis at maarte nitong boses, kanina pa ako nagtitiis ngunit hindi na talaga ako makatiis. Iniwan ko si Hunter sa kwarto namin at nagmamartsang bumaba patungo sa first floor ng mansyon. Lumabas ako at nakitang nasa labas din sila Mama at Papa, tinutulungan si Manong Arnaldo na kumbinsihin ang ilusyunadang Naomi na 'yon na umalis na. Mas lalo akong nainis at naga
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


