ISANG LINGGO na ang nakalipas buhat nang puntahan niya si Thalia sa inuupahan nitong apartment. Ilang araw na rin siyang tila patay na buhay, mesirable at wala sa tamang katinuan dahil sa pangungulila sa dalaga. He missed her so much pero wala siyang lakas ng loob upang muling harapin ito. Gayon pa man ay araw-araw siyang nakabantay sa labas ng apartment ni Thalia. Umuuwi lamang siya para maligo at magpalit ng damit. Kung minsan pa'y doon na rin siya inaabutan ng sikat ng araw. He despised sleeping alone in the mansion because he missed her so much. He was perpetually tormented by their wild lovemaking. Sapagkat kahit saang sulok ng silid siya tumingin ay ang masayahing mukha ni Thalia ang kanyang nakikita. Sa tuwina ang magandang imahe nito ang palaging naglalaro sa balintataw niya. M

