PINAHID ni Thalia ang masaganang luha sa magkabilang sulok ng kanyang mga mata nang maalala na naman ang lalaking palaging laman ng puso at isipan niya. Kung sa bagay kailan ba ito nawaglit sa kanyang kamalayan? Kahit anong pilit niyang gawin ay hindi niya ito magawang iwaksi. Okupado ni Michael ang utak niya, ang puso niya at ang lahat-lahat sa kanya. Sinubukan niyang abalahin ang sarili sa pagsusulat upang itakwil ito sa kanyang isipan pero kahit anong pilit niyang gawin ay hindi niya magawa. Ang guwapong mukha pa rin ni Michael ang kanyang nakikita. It was difficult for her to choose between the two people she cared about, but she had no other option. Hindi niya kayang may mangyaring masama kay Vanessa isa pa'y paano naman siya mananatili sa piling ng lalaking walang katiting na pagm

