“Kinakabahan ka?” tanong ni Paulo kay Aryan nang nasa backstage sila at nagperform na ang ibang team. “Kinakabahan ako, normal naman ‘yon ‘di ba?” Natawa si Paulo at tumango naman siya. “Mas malakas na nga sa pandinig ko ang kabog ng dibdib ko.” “Magkaaway ba kayo ni Kevin?” Nangiti lamang si Paulo sa napuna ni Aryan. “Hindi, ganoon naman talaga ‘yon pero okay kami, okay tayo.” “Mabuti naman, parang palagi kayong nagkakainisan nitong mga nakaraan.” “Siya lang naman ang naiinis, hindi ako kasama.” Inayos ni Paulo ang kuwelyo ng damit ni Aryan. Pinili nila na maging both male presentation ang kanilang performance. Wala sa kanilang nagsuot ng damit ng babae. Pero dahil mas malambot ang katawan ni Aryan, flexible at mas kayang kumilos kompara ay Paulo. Ang suot nito ay inspired sa s

