Todo-todo kung silbihan ni Danny si Alejandro. Habang tila naman may takot pa si Elaine. Ang kanyang manager naman ay todo kuwento na dahil nakakailan na rin sa iniinom na alak. Nagkakatama ng paningin si Alejandro at Aryan pero binabalewala ni Aryan ang titig nito. Dahil sa naiinom niya, malamig na aircon sa private room na KTV area na pinuntahan nila gusto niya ‘tong mas makatabi pa. Tumayo naman si Danny dahil may sasabihin muli ito sa babaeng nag-serve sa kanila. Talagang umoorder ‘to ng mga mahal dahil sagot nga naman ng Presidente at barya lamang nito ang presyong mahal na sa kanila. Nagulat si Aryan nang umusog si Alejandro sa tabi niya. May tama naman na siya pag-inom pero matino pa siya, isa lang naman ang hindi madaling kontrolin, iyong pakiramdam na gusto niya ‘tong makatabi

