Zaparta's POV Sinalo ko ang bola na ipinasa sakin ni Marceline at tumakbo ako papunta sa ring para i-lay up. Nagwa-warm up kami ngayon para sa laban namin sa Miracle. Semi-Final at kung sino ang manalo samin ay syang makakalaban ng Meteorite sa Final. Basta isa sa sikat na team ang maglalaro, dadagsaan talaga ng mga tao lalo na itong araw na ito dahil Dragon Empire at Miracle ang maglalaban. Mapupuno talaga ang buong arena. Sinisigaw ang team na. Maingay at hindi kami ganon nagkakarinigan kung hindi lalakasan ang boses. Excited at kaba ang nararamdaman namin ngayon. Excited dahil nakaabot kami dito at kaba dahil Miracle ang makakalaban namin. Aware na ang buong Dragon Empire kung sino ang kalaban namin sa Miracle. Yun ay ang bagong captain nilang si Kennie. Sa lahat ng laban ng Miracle

