Zaparta's POV "Wala na sayo si Kriza." sabi nya. Napaawang ng kaonti ang bibig ko pero itinikom ko din agad. "Hindi naman naging sila." sabat ni Astris. Narinig kong tumawa si Sylvia kaya sinamaan ko ng tingin si Astris. Pambihira, nakisali pa. "Mukhang kilala na ninyo ang bago naming miyembro." sabi ni Sylvia at inakbayan si Blysse. Hindi naman umangal si Blysse. "Rookie sya ng Wyvern Empire dati." sabi ko. Tila nabigla si Sylvia sa sinabi ko kaya napatingin sya kay Blysse. "Bakit hindi mo sinabi ang tungkol don?" tanong ni Sylvia. "Hindi mo ba tignan ang resume ko?" balik na tanong ni Blysse. "Mukha bang tinignan ko?" napakunot ang noo ko dahil nagbabalikan sila ng tanong. "Hindi ba sinabi ko na tinitignan ko ang isang kakayahan ng tao sa paglalaro? Anyway, hayaan na nga." inalis

