Aphrodite's POV "Dite." nilingon ko ang tumawag sakin. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sasabihin nya. "Mukhang malapit na maging kayo ni Rigel." sabi nya. Bumuntong hininga ako at tumingin sa kalangitan. "Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa na ikaw nagsabi nyan." sabi ko. "Wag ka naman ganyan." nilapitan nya ako at inabkayan ako. Nilingon ko sya. Nakangiti sya pero hindi ganong kasaya. "Masakit pero masaya naman ako para sayo." iniwas ko ang tingin mula sa kanya. "At dahil dyan, may gift ako sayo." tumingin ako sa nilahad nya sa harapan. "Trip to Boracay. Dalhin mo si Rigel." Napailing ako. "As if naman papayagan kami." sabi ko. "Edi ikaw na bahala don." kinuha nya ang kamay ko at inilapag ang apat na ticket. "Sa lunes na yan tapos ang balik ninyo ay wednesday. M

