Kennie's POV "Kennie, anak. May bisita ka." naglalaro ako sa likod ng bahay namin kung saan may court kami nung tinawag ako ni Mommy na nasa balcony ng kwarto nila. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang pawis ko gamit ang tshirt kong suot. Tumingin ako sa lady butler ko. Naintindihan nya agad ang tingin ko at sinundo ang bisita na tinutukoy ni Mommy. "Bakit hindi ka magbihis?" tanong ni Mommy. "Nah, hindi rin magtatagal kung sino man yon." sabi ko. Kinuha ko ang bola at drinibble. Tumakbo ako papunta sa ring pero iniisip kong may kalaban ako sa harapan ko kaya naman tumitigil ako at nag-crossover. Humakbang ako sa kaliwa kasabay ng pagpasa ng bola sa kanan at sa kanan dumaan. Mataas na tumalon ako at nag-dunk. Hindi ako bumaba agad. Nakalambitin lang ako sa ring. "Woah!" boses pa

