Tyrant's POV "Good work everyone!" sigaw ni Mama pagkatapos nyang sabihin na tapos na ang practice namin ngayong araw. "Tyrant, mauuna na akong umuwi sayo ah?" sabi nya sakin. "Okay po!" sabi ko sa kanya. Nagpaalam na syang uuwi na sa buong team. "Guys, ano balak?" tanong ni Samantha. Nag-ayos kami ng gamit tapos naglakad na kami papunta sa shower room. Sabay sabay kaming naliligo pero hindi sama-sama, may mga cubicle ang shower room. "Kain tayo sa food park." sabi ni Daily. "Si Eloi bantayan ninyo, tatakas yan at pupuntahan si Kriza." sabi ni Janine. "Ako bahala!" natatawang sabi ni Samantha. Habang nag-uusap sila ay tinapos ko na ang pagpapaligo ko. Nauna akong natapos sa kanilang lahat kaya hinintay ko na lang sila sa labas ng shower room. Ang babagal naman kasing maligo ng mga y

