Third Person's POV "Bastusin na ninyo ang lahat, wag lang ang mga bestfriend ni Dite." nakangising sabi ni Sylvia habang nakasunod silang magkakaibigan kay Dite. "Marami lang tao pero gustong sapakin ni Dite yung babaeng yon." nakangiting sabi ni Zandy. "Naturingang girlfriend si Asta pero wala syang ginawa." panunukso ni Sylvia. Sinamaan naman sya ng tingin ni Asta. "Hindi ko hahayaan na bastusin nya si Lulu. Naunahan lang ako ni Dite." sagot ni Asta. "Pagdating sa dalawa, mabilis kumilos si Dite." sabi ni Lee. Nakatingin silang apat sa tatlong nangunguna. Pinapakalma nila Tyrant at Lulu si Dite na hindi pa rin humuhupa ang inis. "About sa Leon Sparks, himalang nainis ka Asta." nilingon ni Sylvia ang kakambal. "Sa laro pa lang nila Abi ay nainis na ako. Lumaki tayong naglalaro sa k

