Kriza's POV Inaayos ko ang pagka-tank-in ng jersey shirt ko sa loob ng short ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng court. Si Dite at Sylvia ang hindi maglalaro sa ngayon. Ayon sa sinabi ni Dite na hindi sya maglalaro hangga't hindi maglalaro ang captain nilang si Liza kaya ito nasa bench. Humarap ako sa makaka-jump ball kong si Gel. Nakangisi ito sakin. Inalis ko ang tingin ko sa kanya at inayos ang pagkaipit ng buhok ko. Nagawi ang tingin ko sa pwesto ni Zaparta. Nakangiting kumakaway ito sakin kaya napangiti ako. "So you know how to smile." nawala ang ngiti ko at tumingin kay Gel. "What's with the face?" nakangising tanong nya. Hindi ko ito pinansin at umayos na dahil lumapit na samin ang referee. Naging ready kaming lahat nung iniligay ng referee ang pito sa bibig. Pumito sya

