Zandy's POV "Guys, mauuna na ako sa inyo ah?" sabi ko habang inaayos ang gamit ko. Kakatapos lang ng training namin. "Aba himalang mauuna ka at hindi sasabayan umuwi si Rigel?" udyok na naman ni Julia. Kanina pa yan nang-aasar dahil kanina pa magkatabi si Kennie at Rigel sa bench habang kaming mga miyembro ng Miracle nagpra-practice. Minsan, gusto ko na sabihin sa iba na miyembro din si Kennie para sumasali na sya sa mga practice namin. "May laro ngayon si Dite eh, papanoorin ko lang." sabi ko. Isinuklib ko ang bag ko sa balikat ko. "Laro?" sabay sabay na sabi nilang lahat pwera kay Kennie at Rigel na nakatingin lang sakin na nagtataka. "Miyembro na sya ng soccer team ngayon." sabi ko. "Isang linggo na syang nandon." Dagdag ko pa. "Soccer team?!" Sabay sabay na naman na sabi nila. "

