Tyran'ts POV "Magkasama kayo sa iisang kwarto." isang pasabog para sakin ang sinabi ni Ninang. "Ninang!" kahit na mahal ko si Eloi, ayoko muna syang makasama matulog sa iisang kama lang. Magulo akong matulog! "Bakit? ayaw pa?" pang-asar nya. Ngumuso ako. "Ang dami pang guest room dito ah." sabi ko. "Tsaka panigurado ayaw ni Eloi na makatabi ako. Diba?" nakatinign kay Eloi na tanong ko. Tumango naman sya. Napairap naman ako. Ayaw talaga akong makatabi nito. "Wala ng ibang guest room kung din ito na lang. Tig iisa na ang kwarto ng mga bata kahit na ang triplets at twin." sabi ni Ninang. "'Ba yan." reklamo ko. "Sya, bahala na kayo dyan. Magpahinga na muna kayo, bahala na din kayo kung ano ang gusto nyong gawin habang nandito kayo. Kung kailangan lang ninyo ako tawagin lang ninyo ako. B

