Zaparta's POV "Yey!" sigaw ko at tumalon sa higaan ni Kriza. Kinuha ko ang isang kunan at niyakap. Naamoy ko agad ang ginagamit na shampoo ni Kriza. Tumingin ako kay Kriza na nakatayo sa gitna ng kwarto habang nakatingin sakin. Umupo ako. "Alam ko na ang gagawin ko para lagi kitang makasama. Lagi kitang hahamunin at kapag nanalo ako. Dito ako matutulog." nakangiting sabi ko. Nanalo ako sa kanya kanina sa unang training namin. Lamang ako ng isang flag sa kanya at ako rin ang pinakamaraming nakuha sa lahat. Maraming gustong kumuha sa mga flag ko pero maingat ko iyon inalayo sa kanila kaya hindi nila nakakakuha sakin. Si Blythe ay isa sa sampung naparusahan kanina dahil nahulog ang basket nito dahil sa pakikipag-agawan kay Marceline. Walang natira sa kanya kaya sya ang pinakamababang puntos

