Zaparta's POV Binabantayaan ko ngayon ang mga kasamahan kong naglalaro sa pool. Mabuti na lang sama sama kaming lahat ngayon. Nagkakasayahan ang ilan sa kanila. Halos kami na ang gumamit ng pool sa dami namin. "Ate Zap, bakit hindi kayo maligo?" tanong ni Lulu na basang basa. Kinuha nya ang towel sa likuran ko kung saan ang mga towel nilang mga nakasabit sa railing. "Nah. Mamaya kasi dumating yung mga lalaki at makausap na nila ang isa sa kanila. Ayokong mapahamak sila." sabi ko. "Sweet. Pero dapat ienjoy mo din sarili mo ngayon dahil bukas balik na tayo bahay." sabi nya habang pinupunasan nya ang basang katawan nya. "Nag-eenjoy naman akong panoorin sa mga kalokohan nila." nakangiting sabi ko. "Ang sweet mo talaga." sabi nya at niyakap ako. "Sana nagmana sayo si Dite." natawa kaming

