Zoe's POV "Alex si Ponjap!" sigaw ko dahil tumakbo si Alex papunta sa kwarto na tutuluyan namin at sumunod sa kanya si Ponjap. Tumigil naman si Alex at hinintay si Ponjap tsaka sila sabay na tumakbo pero mabagal dahil maliliit ang mga biyas ni Ponjap. Sila Japan at Louise ang kasama namin sa kwarto kasama si Alex at Ponjap. Si Aero at Jerwin ay kasama ng ibang kalalakihan sa kabilang bahay. May sarilii kwarto ang mga batang lalaki. "Punta tayo mamaya sa training ground?" pag-aaya ko kay Alexa. Pumasok kami sa kwarto at nakita namin si Alex at Ponjap na tumatalon talon sa isang kama. "Kahit bakasyon talaga, basketball pa rin ang iniisip." sabi ni Louise bago sawayin yung dalawang bata. Tumawa naman ako. "Puntahan na rin nating yung bahay na tinuluyan natin noon. Alam ko naman na may na

