Zaparta's POV Napasandal ako sa upuan habang hinahabol ko ang hininga ko dahil sa pagpipigil ko ng hininga. Muntik na. Muntik ng manalo ang Shakers. Pigil hininga talaga kaming lahat sa huling tira ni Tyrant na nagpatigil sa aming lahat. Kaba ang nararamdaman halos lahat dahil don. Lamang kami ng isa sa Shakers at sa huling segundo ay inihabol ni Tyrant ang huling tira nya. Hindi ko alam kung nahabol ba ni Kriza ang bola dahil pagkatama nito sa ring ay umikot pa ito kaya sobra-sobra ang kaba namin kung saan babagsak ang bola. Sa loob ba ng ring o sa labas. Nagpapasalamat naman ako na hindi ito pumasok sa ring. Kung sakali, pagsisisihan ko na hindi ako nakapaglaro sa Summer Cup. Hindi ako hinayaan nila coach na maglaro kahit na nalamangan kami ng Shakers. Pinipigilan nila ako kahit na si

