JOBERSON POV
"JIN! Ang bagal bagal mo! Late ka nanaman!" nakakarinding sigaw nina Mommy kay daddy. Napairap nalang ako sa hangin saka ko sinuot yung earphone ko para di ko sila madinig
Lagi naman silang ganyan e. Ganyan nila gustong iparamdam ang pagmamahal nila. Diba gago?
"Sandra naman e. Ke aga aga nag puputak ka dyan. Asan ang morning kiss ko?" nangiwi ako sa sinabi ni Daddy. Masyado silang cheesy mga brad
"Kiss o suntok sa mukha? Mamili ka Jin" Inis na sabi ni Mommy. Para silang bata i swear
"Sandra naman. Nakikita tayo ng mga bata oh? Wala ka bang sweet words jan?" pagpapacute ni daddy saka niya niyakap sa tyan si mommy
"Mommy Daddy naman late na kami wala pang pagkain" reklamo ng kapatid ko na si Zharmes(zarms). Kaya sinapok naman si Mommy si Daddy
"O ayan! Dahil sa kalandian mo na tinatablan ako, di ko na napaghandaan Anak natin. Kumain ka nalang baka ma late kapa" Sabi ni Mommy kaya Hinalikan naman ni Daddy yung pisngi ni Mommy pero hinayaan lang yun ni Mommy.
Actually di talaga sila ganyan. Nako! Minsan lang ganyan yang mga yan pero kada pag uwi namin mas sweet pa sila sa lahat ng mga chocolates at candy. Para ang sarap nga nilang tapunan ng karatulang walang poreber e.
Ang ganda nga ng labstori nila e. Akalin niyo yun? Nabuntis lang pala ni daddy ng aksidente si mommy tas pinanagutan ni daddi tas ayun! Nagkainlaban sila. Kaingget whoo!
Ay Nakalimutan ko nang magpakilala.
Ako nga pala si Joberson Zhames Castro. Oa ng pangalan ko no? Actually nakuha yan sa mga parents ko. Yung Joberson, nakuha sa name ni Mommy na Jhairhie. At yung Zhames, ay nakuha sa name ni Daddy na Zhandrei
18 na ako Grade 12 at nag aaral sa KeithSandra Vancelo academy na parehong pinamumunuan nina Mommy, Tito Vance, at Tito keith. Kaya nga ganun ang name e
Yung Kapatid ko na mas bata ng 2 Taon sa akin ay si Zharmes Jay Castro. O alam niyo na kung san nakuha yung langalan niya Zharmes ay sa daddy ko na Zhandrei at Jay sa mommy ko na Jhairhie
Fall (everything)
Fall (everything)
Fall (everything)
heuteojine
Fall (ever~
Saglit namang napatingin sakin sina mommy at daddy na nagsusubuan. Ang sarap nilang batuhin ng ulam. Tsk!
Agad ko namang sinagot yung cellphone ko na nagriring.
("Uy Job! Nasa labas na kami! ") Ahh si Vincent Eash nga pala Anak ni Tito Vance at Tita Eliesha. Pinsan ko ko yan na Alien
"O ano ngayon kung nasa labas na kayo?" nakataas kilay na sagot ko. Nakatingin naman sakin sina Mommy na parang naistorbo ko ang sweet moments nila. Habang kumakain naman si Zharmes
("amina nga kasi yan Vince! Wala kang kwentang kausap!") Si Carlo. Carlo Gio Wlson
("Ako pa talaga ang wala? Anong pagkukulang ko Carlo? Minahal naman kita ah? Binigyan ng anak, araw araw hinahalikan, at pinapaliguan~") nakadinig ako ng sapak
("Ulol! Walang tayo! Di tayo talo!") sigaw pabalik ni Carlo kaya saglit akong natawa
("Halika na Job! Malapit na magring") Sabi naman ni JC kaya nagkibit balikat nalang ako saka ako tumayo
"Pinsan mo anak?"
"Ay hinde! Sindikato sila. Tinutubos nila si Vincent na kinidnap nila kahapon sa bangketa."
Syempre di ko sinabi yan
Grabe si Daddy sino pa kaya ang makakatawagan ko? E wala naman bukod sa barkada.
"Yes Daddy kaya bilisan mo dyan Zharmes kundi iiwan na kita" sita ko sa kapatid ko na busy kumain. Inirapan lang naman niya ako sabay sabing
"Wala akong pake alam. Mauna kana kasi tsk!" inis na sabi niya kaya Sinuntok ko siya sa mukha de biro lang. Mahal ko yang kapatid ko kahit bruhilda yan.
"pasalamat ka Kapatid at babae ka. Dahil kung hindi kanina pa kita sinapak" Gigil na sabi ko kaya dinilaan lang ako pabalik ng loko.
Di ko nalang pinansin yung bruhildang kapatid ko. Humalik ako kay Mommy at Daddy sa pisngi saka ako lumabas
Kitang kita ko naman ang barkada na malaki ang ngiti sa akin
Shet lumiliwanag! Sabay sabay naming tinakpan ang mga mata namin
"Ryan! Takpan mo nga yang bibig mo! Nasisilaw kami!" Yamot na sabi ni Kierry kaya binatukan siya ni Ryan. Sus ganyan lang yang dalawang yan pero ang sweet niyan pag nasa school
"Nahiya naman ako sa height mo!" sigaw ni Ryan sa kanya
"Baket matangkad ka rin ba ha?!" Sigaw pabalik ni Kierry
"Atleast ako may Sweag gaya ni Daddy!"
"Atleast ako may abs gaya din ni Daddy"
-_______-
"Aww!" daing nung dalawa nang batukan ko sila pareho
"tumigil nga kayo dyan! Lalo niyong sinisira ang umaga! Late na tayo!" inis na sabi ko saka ako sumakay sa Van. Umupo ako sa dulo. Nakakaasar kasi! Di ko trip makipag bangayan ngayon. Badtrip kasi di parin ako sinasagot nung nililigawan ko
Ah teka! Nga pala! 7 kaming magbabarkada
Una ay si Raphael Dizon, ang tumatayong leader ng grupo. Baket? Matalino kaso ang munggago. Siya ang takbuhan kapag may assignment at projects. Badyao yan! Hilig humingi ng gluta kay Ryan pero di naman tumatalab. Kawawa naman di na ata puputi
Pangalawa ay ako. Ako nga pala ang pinakamatanda at pinakagwapo sa grupong to! Gwapo na gwapo pa san kapa /smirks/
Pangatlo ay ang shining shimmering splendid gums boy namin na si Ryan Veo Morales. Anak pala siya ni Yyan Morales at Via Andrea Torio-Morales. Siya nga pala ang dakilang swagger na gaya ng tatay niya. Pero bagsak naman pag dating sa english. Pero wag kayo mas maputi pa si Ryan kesa sa budhi niyo! Mahilig mag savage yan! Kaya pag kakausapin niyo yan, di lang ilong niyo ang dudugo kundi pati mga mata niyo. Mag ingat dahil suplado
Pang apat ay ang Kabayo ng grupo. Si JC Hope Sagun. Siya daw ang sunshine ng grupo psh. Baka naman kabayo. Kabayo yan dahil sa kahabaan ng baba na minana pa niya sa nanay niyang si Ai Ai de las alas. Pero magaling sumayaw yan! Magpatugtog ka lang ng kahit anong tugtog pramis sasayawin niya yan. Kahit ano -,-
Pang lima ay ang Pandak sa grupo na si Kierry Lee Reyes. Actually pati si Ryan Maliit pero di namin inaasar na ganun yun. Mahirap na dahil baka mapano kami. Anak pala siya ni tito Keith Reyes at Arriana Kelly Quimpo-Reyes. Siya nga pala ang macho dancer ng grupo. Player dim yan! Ang galing mang akit ng babae dahil lang sa abs niya psh!
Sunod ay ang Elyen ng Grupo at ang pinsan ko na si Vincent Eash Tolentino. Anak niya ni Tito Vance Angelo Tolentino at Tita Eliesha Hazel Abalos-Tolentino. Siya nga pala ang pinaka weird sa grupo. May mga time na di mo siya maiintindihan dahil magsasalita nalang bigla ng elyen langguage psh! Siya din pala ang pinaka may maraming fans na babae samin. Ang galing mang akit ng elyen porke may pa box smile ang loko e mas gwapo pa naman ako dyan psh
At ang pinakahuli ay ang pinakabata o maknae sa korean ng aming grupo. Si Carlo Gio Wilson. Siya nga pala ang Golden Maknae namin! Dahil walang di kayang gawin ang batang yan! Porke siya ang pinakabata ang galing na sa lahat. Parang kahit magyadong kayang kaya nang gawin niyan e. Psh! E malaki naman ang ilong nuyan isang malaking vacuum ang ilong niya kaya magiingat kayo baka masinghot kayo patay! May lahing French pala yang si Ilong. Galing France yan na nagtransfer lang sa school nung Junior High e
Yan nga pala ang tropa namin! Tropa ng Bangagtan! Ang Ba-bangag kasi nila e. Dibale ako syempre. Ako ang pinakagwapo sa kanila
Ang grupo pala namin ay parang kpop group. Ayos no? Kasi sa mga anniversaries ay lagi kaming nagpeperform as part ng Program. May sari-sarili din kaming fandom
Kaya famous kami
Yun nga palang sinasabi kong nililigawan ko
Hihihi kinikilig ako s**t
Si Lhiency Jairel Ashton. Famous siya sa School. Isa kasi siyang sikat na Volleyball player. Kaya sikat siya
"Ryan Batukan mo na kanina pa wala sa sarili e"
"Tangina bat ako pa?! Si Kierry nalang "
"Ayoko nga mamaya kung amo ano pang sabihin sa akin e. Si Vincent nalang kasi pinsan niya"
"Luh bat ako?"
"JOBERSON ZHAMES CASTRO NANDITO NA TAYO!" Napataon ako sa sobrang pagkagulat at agad na binatukan si JC na biglang sumigaw sa tenga ko
Bwiset! Ang ganda ng pag na-narration ko dito tapos iistorbohin ako?!
"Ano bang problema niyo? Nakalimutan niyo bang ako amg pinaka matanda ng grupo kahit months lang? Di niyo ba nakitang nag na -narration ako dito ang haba habang speech ang pinapaliwanag ko para maipakilala kayong lahat! Aba wala kayong kwenta~" di ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla akong sinubuan ni Carlo ng papel. Evil maknae talaga〒_〒
"Ang Oa mo! Kaya ka namin tinawag dahil nasa school na tayo. Hay ewan ko sayo kung bababa ka! Malalate na tayo!" sigaw ni Carlo saka siya naunang bumaba.
"Baba daw" natatawang sabi ni Raphael kaya binatukan siya ni JC
"Aba! Ginagago mo ba ako? Baba ka dyan! Kahit mahaba baba ko gwapo paren ako!" yamot na sabi niya kaya sinapok din naman siya ni Ryan
"Baba kasi a*s in bumaba na tayo hindi yang baba mo! Letseng kabayo to" inis din na sabi ng gilagid saka sila bumaba
Aba tignan niyo tong mga batang to. Ako nangang nagsayang ng laway para ipakilala sila tapos ganyan? Nasaan ang hustisya!
_____________________________
To be continued